Marvin Agustin feels jittery about his return to acting via TV5’s Obsession

Marvin Agustin has admitted that his first drama series on TV5 makes him nervous about his acting, saying in jest, "Naku, baka di na pala ako marunong umarte."


Matagal-tagal na ring hindi nakikita si Marvin Agustin bilang aktor sa telebisyon.

Ang huling teleseryeng kinabilangan ng actor-businessman ay Iglot, na ipinalabas sa dati niyang home network na GMA noong 2011.

Nang lumipat siya sa TV5, mas nakita ng mga manonood si Marvin bilang isang TV host. Ang mga programang ginawa niya bilang host ay ang dating Sunday game show na Game ‘N Go, dating reality talent search show na Artista Academy, at reality cooking show na Karinderya Wars.

Kaya naman sa bagong teleseryeng gagawin niya para sa TV5, inamin ni Marvin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kinakabahan ako, not just the work, but the work hours, e.”

Gayunman, hindi naman hahayaan ni Marvin na makaapekto ito sa kanyang trabaho.

Para sa kanya, “Passion ko naman ang pag-arte so, I’m excited at the same time.”

Bukod sa kanyang mga aasahan sa programa, isa pang dahilan ng pagkasabik ni Marvin sa Obsession ay pagka-miss niya sa pag-arte.

Ani Marvin, “Sabi ko nga, hindi mo malilimutan ang first love mo.

“I fell in love already with acting since the time I tried it.

“Sabi ko nga, I will be forever actor.”

Bukod kay Marvin, tampok rin sa Obsession sina Bianca King, Neri Naig, at Alwyn Uytingco.

Ang Obsession ang upcoming weekly drama na gagawin ng TV5.


Tulad ng Positive at For Love or Money, ito ay ipalalabas minsan sa isang linggo lamang.

Ang Obsession ay nakatakdang ipalalabas sa Enero sa susunod na taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN