Airing of Mikael Daez's culinary adventures in London postponed in deference to Yolanda victims

On his Instagram account, Mikael Daez posted: "London, get ur midnight snacks ready!!!! Im comin for em in style ;)"


Si Mikael Daez ay naging “one-man team” para sa “Midnight Snack,” ang kanyang segment na napapanood sa GMA-7 late-night newscast na Saksi.

Galing sa London si Mikael para mag-shoot ng kanyang food segment na nagpapakita ng iba’t ibang culinary delights.

Para sa naturang episodes, si Mikael ang nagsilbing cameraman at host habang nagsu-shoot siya sa capital city ng England.

“Very, very, very good! And proud na proud ako... four episodes ng Midnight Snack ang nagawa ko,” ang bungad na sinabi ni Mikael nang makausap siya ng press sa grand launch ng kanyang bagong telefantasya sa GMA, ang Adarna.

“I had two magical episodes there, yung naramdaman ko yung ‘Wow, ang ganda ng nakunan kong mga materyales!

“Ang ganda ng mga nasabi ko tungkol sa pagkain, maiintindihan ito ng mga Pilipino, makikita nila yung culture ng mga taga-London,” ani Mikael sa interview na naganap noong November 13 sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

“So iyon yung naramdaman ko sa dalawang episodes na yun.

“The other two are also very good pero yung two yung may emotion e, may kapit.”



In his Instagram account, Mikael Daez posted: "Trying to be a tripod, camera man and tourist at the same time"


Ano-ano ba ang mga ipapakitang pagkain ni Mikael sa “Midnight Snack”?

“One is the bagels. Twenty-four hour bakeshop siya, parang Pan de Manila, parang iyon yung katapat, so parang ang daling ipahiwatig sa mga Pilipino, sa mga viewers kung ano yung nangyayari. Kasi guys, ito sa London ang katumbas niya sa atin yung panaderya na nagbebenta ng pandesal.

“Kasi ang goal ko sa London sa mga kinuha ko ipahiwatig lang sa mga Pilipino, okay may kultura tayong Pinoy, ito yung kultura ng mga taga-London, i-compare natin para lang ma-experience natin.

“So iyon yung goal ko. Para hindi ano, mataas, hindi malayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang ang bagel ang parang pandesal ng mga Pilipino?

“Parang ganun, di ba? At ang sarap! Kung gaano kasarap yung pandesal natin yung bagel nila masarap din dun pero ito yung mumurahin lang, as in twenty-four hours.

“Hinanap ko talaga, pumunta ako sa outskirts, one hour away from my hotel, in the middle of the night, midnight.”

Ayon kay Mikael, very accommodating daw ang may-ari ng naturang bakery.

“In fairness. Siguro, may mga naririnig tayo ng ano, may pagka-snob minsan yung mga Europeo, wala! Walang snob. In fairness wala yung, ‘Hey don’t do that!’

“Walang ganun, wala silang ganun. Sila, ‘Hey, it’s okay, it’s okay.’

“Yung sa bagel shop nga sobrang na-impress ako dun kasi pinapasok ako sa kitchen! Tapos nagkuwento-kuwento, ang ganda ng kuwento, ‘Oh bagels, that’s from Poland.’

“Kasi Polish yung nagluluto. E, tayong mga Pinoy minsan ganun tayo, ‘Adobo, o galing Batangas yun! O, yung adobo, galing Visayas yun.’

“Parang ganun di ba, so natuwa ako.”

Ang isa pang magical episode na nakunan niya sa London ay ang Borough market, na kilala bilang isa sa pinakamalaki at oldest food markets sa London.

“Yung isa pa yung Borough market. Tayo, may palengke tayo low-end, may high end na Mercato doon—yung Borough market,” paliwanag ng GMA-7 actor-host.

“Palengke nila pero ang ganda, parang mix ng high-end at low-end [products], malinis, ang ganda ng mga kulay, ang ganda ng mga prutas at yung siyempre pros and cons yun, di ba?

“Malamig, maganda pero may mga pangit rin sa taglamig. Dun hindi napapanis, so kahit nasa labas yung isda, yung karne, yung prutas hindi sila nawawalan ng kulay, hindi sila nabubulok, hindi sila nagba-brown.

“So ang ganda tingnan lagi the whole day. So nakunan ko yun, na-video ko yun. Natutuwa ko kasi feeling ko makaka-relate yung mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Wow may ganun rin pala sila, ganun pala yung style nila diyan, ganun pala yung binebenta nila sa palengke nila.’

“So parang makaka-relate talaga sila na, yes iba’t-iba tayo ng kultura pero may mga pareho rin, ibang version lang.”



RESPECTING YOLANDA VICTIMS. Hindi agad maipapalabas ang mga episodes ng “Midnight Snack” na kinunan ni Mikael sa London.

“Iyon lang dahil sa Yolanda medyo nag-emergency meeting kami, na nagdesisyon kami na hindi muna namin ipapalabas para maging sensitive sa mga nangyari sa kasalukuyan.”

Napili si Mikael na maging representative ng GMA para sa inaugural flight ng Philippine Airlines na nagbukas ng flights from Manila to London simula noong November 4.

Noong palipad ang flight nila papuntang London ay padating ang super typhoon na Yolanda sa Pilipinas.

“Yung Yolanda pailalim, paganun, kami galing sa itaas.”

Kung ganun, parang sinalubong pala nila si Yolanda sa ere?

“Almost parang ganun pero iba yung ruta ng airplane, e.”

Habang nasa London siya ay nababalitaan niya ang mga nagaganap sa Pilipinas.

“Well, at first siyempre nung nandun takot lang sa airplane, yung flight, tatama ba? Kasi yung mga typhoons sanay tayo dun, e, di ba? Hindi lang natin na–expect na worst typhoon ever!

“Kailan mo naman iisipin yun so ako actually yung first day na nangyari na dumating ako sabi ko, ‘Wow ang sama, ang sama parang yung Ondoy.

“Then, ‘Teka lang, parang iba na ito, a!’

“Third day, ‘Wow, worst ever, iba na talaga!’

“So that’s when na-realize ko talaga na this is something different.”

Walang kamag-anak si Mikael sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda pero…

“I have a friend there pero, I hope she’s okay.”

Wala pa siyang balita tungkol sa kaibigan niya.

“Wala pa, e. Sa Leyte siya, sa Southern Leyte, two hours away from Tacloban.

“But I think she’s okay, I am confident she’s okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Going back to his London trip, saglit lang raw silang nagkita ni Megan Young sa London.

“Tinanong ko lang siya saan puwedeng kumain, wala siyang alam,” at natawa si Mikael. “Hotel food lang alam niya.”

(Read: Mikael Daez admits brief rendezvous with Miss World Megan Young in London)

Unang beses ni Mikael na naranasan na mag-shoot ng solo sa ibang bansa.

“Shoot ng ganun, oo. I think first time ever pinagawa sa artista na mag-shoot alone. Pero I love it.”

Pero hindi siya as in mag-isa na pumunta doon.

“Well technically hindi naman ako mag-isa kasi may grupo naman. Yung mga ibang media, mga business beat writers, lifestyle writers.”

Pero para sa “Midnight Snack,” mag-isa lang talaga siya.

Babalik ba siya sa London?

“I hope so! Ang dami pang puwedeng ma-shoot dun, but ang dami pang ibang countries na pupuntahan ang PAL, hopefully makasama rin ang ‘Midnight Snack’ and yung GMA and I hope they’re happy with my representation ng GMA dun para maulit sana.

“So sinasabi ko na, sana maulit,” sabay tawa ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN