Ladies' Night Out in "Pinoy Big Brother" Celebrity Edition 2


Will Devaughn (left) gives a head massage to Riza Santos (right) but it appears he's enjoying it more than the victorious housemate does. The male housemates were tasked to entertain the girls during their night out inside Big Brother's house.



Pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa instant ladies' night out sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 na naganap noong nakaraang linggo. Ladies' night out ang tawag dito pero sa loob lang ng Bahay ni Kuya ginanap ang tropical inspired party.


Gayunpaman, lubos na nag-enjoy pareho ang mga ladies and gentlemen housemates noong gabing ito. Nagsimula ito nang talunin ng mga babae ang mga lalake sa kanilang larong "Mary and Peter Went into the Water," isang relay game kung saan nahati ang mga lalake at mga babaeng housemates sa dalawang team. Bawat miyembro ng team ay salitan na nagsuot ng basang damit at lumangoy mula sa isang dulo ng swimming pool papunta sa kabilang dulo nito.


Sa madaling salita, nanalo ang mga babae kaya inatasan ni Big Brother ang mga lalake na bigyan ng pabuya at pagsilbihan ang mga ito. Agad namang nagpaunlak ang mga lalake. Suot lang ay black shades at boxer shorts at tinapisan ng tuwalya, sinayawan at kinantahan nila ang mga babae. Siyempre pa, nauwi sa sigawan at kantyawan ang lahat.


Pero hindi pa roon nagtatapos ang gabi. Pinapili ng mga boys ang mga girls ng tig-isang kapareha na blind masahista. Pinili ni Megan Young si Ruben Gonzaga siguro dahil feeling safe sa komedyanteng Dabawenyo. Ang kapwa sports enthusiast na si Donnie Geisler naman ang pinili ni Racing Goddess Gaby dela Merced. Si Yayo Aguila ang nag-settle kay Baron Geisler. At sino ba ie-expect ng mga housemates na pipiliin ni Riza Santos kundi si Will Devaughn, at ni Mariel Rodriguez kundi si Jon Avila, di ba? Pero hulaan niyo kung sino ang mas lalong nag-enjoy: ang masahista ba o ang minamasahe?

Pero ang seksing komedyanteng si Ethel Booba pa rin ang panalo. Dahil siya ang huling pumili at si Victor Basa na lang na "pinagpilian" ang natira, nagpaunlak lahat ng boys na alternate na magmasahe sa kanya. Kung minsan talaga hindi nasusunod ang kasabihang, "the early bird gets the worm." Para kay Ethel, the last bird gets all the worms!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Abangan ang iba pang kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN