Vandolph wins Bebot 2007 in November 10 episode of "Eat Bulaga"

by Nonie Nicasio
Nov 12, 2007
Vandolph (in photo) received a score of 95.5 percent from the judges, making him this year's Bebot (Binibini ng Eat Bulaga on Television). He was crowned during the November 10 episode of the noontime show.

Itinanghal si Vandolph bilang winner sa Bebot 2007 last Saturday, November 10, laban kina Polo Ravales, Boy2 Quizon, Mo Twister, at Wally Bayola. Ang kuwelang "beauty contest" ng Eat Bulaga ay punumpuno ng excitement at katatawanan dahil sa mga pakuwela at nakaaaliw na performances ng mga contestant. Ang Bebot na ang ibig sabihin ay Binibini ng Eat Bulaga on Television ay unang napanalunan ni Paolo Ballesteros noong 2005 at sinundan ni Mark Herras noong sumunod na taon.

Si Vandolph ay rumampa sa katauhan ni "Alma Mother" na siya ring hinirang na Best in Talent para sa kanyang sing-and-dance performance ng Shirley Bassey hit na "Big Spender." Kasama ni Vandolph ang dalawang dancers ng soon-to-be bride niyang si Jenny Fernandez na siya ring nag-choreograph ng kanyang sayaw.

Naging first runner-up naman ang pamangkin ni Vandolph na si Boy2 Quizon sa katauhan ni "Pa Girl 2." Sa talent portion ay kumanta siya ng "RagArabo" kasama ang kanyang banda at ang dance group na Manouevers.

Continue reading below ↓

Si Mo Twister a.k.a. "J. Mo" ang nakakuha ng 2nd runner-up at itinanghal na Best in Gown. Si Polo Ravales, na nag-perform with Andrew E., ay nakopo ang Most Photogenic award at 3rd runner-up. Kulelat na naman ang walang kadala-dalang si Wally Bayola as "Blackie Lou Blanco" na taun-taon ay sumasali pero lagi namang natatalo.

Ayon kay Vandolph, sinunod niya lang ang bilin ng amang si Dolphy na itayo ang bandera ng mga Quizon kaya pinagbutihan niya ang kanyang ginawa. Kilala rin ang Comedy King na si Dolphy sa pagganap ng gay roles sa pelikula, kung saan nagsusuot din siya ng damit-pambabae at nagme-makeup din.

"Bilin niya [Dolphy] ay itaas namin ni Dos [Boy2, his nephew] ang bandera ng mga Quizon, kaya nang nanalo ako'y masayang-masaya siya. Actually, nagawa naming dalawa ‘yon ni Dos," sabi ni Vandolph sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway Centrum pagkatapos siyang makoronohan.

Ayon naman kay Boy2, "Grabe ang experience na ito! Hindi ko ito malilimutan, nag-enjoy ako, e. Nadulas pa nga ako after the show kaya ang sakit ng likod ko. ‘Tapos nang tawagin ang pangalan ko, akala ko ako ang winner, yun pala si Vandolph. Pero I'm happy para sa kanya, deserving talaga siyang manalo. Partida pa ‘yan, naisingit niyang i-career ito kahit malapit na siyang ikasal."

Continue reading below ↓

Sa pagganap ng mga gay role sumikat nang husto si Dolphy, gaya ng Jack & Jill, Pacifica Falayfay, Fefita Fofonggay, at iba pa. Handa na rin ba si Vandolph na gumanap sa mga gay roles?

"Kahit saan, kahit ano ay game ako," sagot ng dating child actor. "Malay mo, baka sa mga gay role ako pumatok ulit. Puwede nating sundan ang yapak ni Papa, at siyempre ay hihingi ako ng tips sa kanya kung paano aatakihin ang mga role na ganito. Expert kasi siya diyan."

Ipinakita ni Vandolph ang kasabihan sa showbiz na "the show must go on," dahil ilang araw pa lang natanggal ang cast niya sa paa bunga ng pagkakatapilok ay itinuloy pa rin niya ang pagsali sa Bebot 2007.

Ilang minuto naman pagkatapos ng contest, tumawag agad ang ina ni Vandolph na si Alma Moreno at binati ang kanyang anak. Pabirong sagot naman sa kanya ni Vandolph sa kabilang linya, "Mas maganda na ako sa iyo, Ma, may bago nang Loveliness." Ang Loveliness ay ang dating hit TV weekly musical show ni Alma na konsehal na ngayon ng Parañaque.

Continue reading below ↓

Kabilang sa judges sa Bebot 2007 sina Lucy Torres-Gomez, Michael V, Dr. Hayden Kho, at Paolo Ballesteros.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vandolph (in photo) received a score of 95.5 percent from the judges, making him this year's Bebot (Binibini ng Eat Bulaga on Television). He was crowned during the November 10 episode of the noontime show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results