Benjamin Alves on shooting nude scenes for a project: "You have to give me a reason kung bakit ako maghuhubad."

"You have to give me a reason kung bakit ako maghuhubad. Pero frontal nudity… I’m not open for it. Hindi ko na kaya ‘yon," admits GMA-7 actor Benjamin Alves.



Sa GMA-7 teleserye na Adarna, medyo may pagka-bad boy ang role na ginagampanan ni Benjamin Alves.

Ayon sa Kapuso actor, challenging para sa kanya ang gumanap ng ganitong klaseng role sa unang pagkakataon.

“Ang layo nung character sa personality ko.

“Kasi sa totoong buhay, hindi ako barumbado. At hindi rin ako naninigarilyo.”

Paano siya nag-prepare para sa role?

“Well, naghanap po ako ng mga peg, pero ayoko munang sabihin.

“Pero excited ako sa role ko na ito.

“Sa story, magiging rivals kami nina Geoff Eigenmann at Mikael Daez kay Kylie [Padilla].

“So, love square kami.

“Sa sobrang galing ni Kylie na pumasok sa character niya bilang si Ada, at sa sobrang galing din nina Geoff at Mikael…

“Hindi ko naman sinasabing magaling din ako, pero ang advantage ko po, nagkatrabaho na po kami ni Kylie noon.

“So, yung mga ganung advantages po ay hindi na ako mahihirapan.

“I mean, kumportable na po ako working with her.

“She was the first one na nakatrabaho ko dito sa GMA.

“Sa Party Pilipinas when I was launched, she was my partner there.

“It gets better. From there, tapos sa Unforgettable.

“And then dito nga sa Adarna na ang role namin… sa simula ay magkaibigan kami, na may mga eksenang nagkukulitan kami.

“And it helps so much na iyon ang naibigay sa amin na dynamics kasi nagkatrabaho na po kami.”

Bago siya mapili bilang isa sa leading men ni Kylie sa Adarna, may balita na siya raw sana ang kinu-consider na maging partner ni Janine Gutierrez sa Villa Quintana at second choice lang si Elmo Magalona. Totoo ba ito?

“Me and Janine have talked about it before. And, ah… nangyayari po talaga dito sa industriya nating ito na may mga hindi natutuloy.

“But… I think they way Janine and Elmo look together, bagay naman silang magkapartner.

“And Elmo is a revelation for me. He’s a really good actor.

“Pero hindi naman ako yung first choice para i-partner kay Janine sa Villa Quintana.

“I think that was probably in a conversation of… select of a roster.

“Pero hindi naman po yung… ako po talaga.

“And with me, I’ve never been picky. Basta kung ano ang ibigay sa akin ng GMA, okey ako.

“Masaya ako na hindi nawawalan ng projects. Wala na po akong mahihiling pa.”

Maganda rin ang feeback kay Benjamin sa historical series na Katipunan na tumatalakay sa buhay ni Andres Bonifacio.

Bukod sa convincing ang acting niya dito ay mahusay na rin siyang magbitaw dialogue sa Tagalog kahit yong malalalim at matalinhagang mga linya.

“Opo. Nahahasa na po ako sa Tagalog. At isa po ito sa talagang pinagpursigihan ko.

“Natutuwa ako na may mga nakakapansin sa performance ko. I think dahil din ito sa production team na nakakatrabaho ko.

“Na hindi lang ang mga co-stars ko kundi pati director at production staff, close po kami, e.

“Basta po ang gaan sa set namin. Kahit ang hirap ng mga ginagawa namin na mga liblib na lugar ang location lalo na ‘yong eksenang giyera sa Katipunan, bale-wala dahil sa magandang samahan naming lahat.”

Open daw si Benjamin na i-try ang lahat ng klase ng roles. Game din daw siya sa nudity kung talagang kailangan sa istorya.

“I just have to read the script. Pero hindi ‘yong basta…'Oy, magnu-nude ka dito.'

“Kumbaga, you have to give me a reason kung bakit ako maghuhubad. Pero frontal nudity… I’m not open for it.

“Hindi ko na kaya ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN