Dingdong Dantes wants to return to directing in two years' time


Sa kabila ng mga trahedya at kalamidad na naranasan ng ating bansa, nais pa rin ni Dingdong Dantes na mas mangibabaw ang mga positibong bagay sa ating kapaligiran, lalo’t nalalapit na ang Pasko.

Kaya natuwa siya sa naging desisyon ng kanyang manager na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment na magdaos ng simpleng Christmas party para sa mga miyembro ng entertainment press kung saan patuloy pa rin silang tumutulong sa mga survivors ng Yolanda.

“Ngayong gabi, nakalikom na agad tayo ng pondo para makapagpagawa ng one whole classroom na iyon para sa Estancia Central Elementary School. Ibi-build siya from scratch, e, dahil talagang wasak na wasak iyon, e.

“Pero depende pa rin sa malilikom natin, kung ano ang magagawa natin para sa mga kababayan natin doon,” panimula ni Dingdong nang makapanayam ng PEP.ph noong December 2 sa Primera Casa Filipino sa Scout Torillo, Quezon City.

Sa palagay ni Dingdong ay mas meaningful ang ganitong Christmas party.

“Oo, kasi I think, parang ang hirap naman din pong maglustay at maging masyadong masaya sa kabila ng nangyari.

“Pero at the end of the day, kailangan pa rin nating magkita-kita, magtipon-tipon para magbigay ng pasasalamat.

“And at the same time ay makabuluhan ito dahil isipin mo, lahat tayo ay nagka-isa, talagang nag-joint effort para sa isang bagay na talagang malayo ang mararating.

“Kumbaga, kung kami lang ito, maaaring walang masyadong bigat. Pero dahil kasama kayo [entertainment press], ang daming humihila. So, ang ganda talaga ng pakiramdam, kaya talagang mas meaningful ang Christmas kapag nakakatulong ka e,” nakangiting saad ng actor na tinaguriang Primetime King ng GMA-7.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Kasi kung magbibigay ka, dapat isang bagay na makabuluhan, na alam mong hindi mo makakalimutan…

"Kasi, after so many years, after decades, after centuries, ‘di ba? Isang malaking catastrophe ang nangyari sa atin, which we hope will never happen again sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way, maging simbolo siya na itong Paskong ito, nagkaisa tayo, nagtulong-tulungan tayo, ‘di ba?

"Na isinantabi natin iyong marahil ay kaunting kaligayahan natin para mapagbigyan naman iyong kaligayahan ng ibang tao.”



MMFF 2013. Nang tanungin si Dingdong tungkol sa lineup ng Metro Manila Film Festival this 2013, sinabi ng aktor na nakaka-aliw ang lineup, very entertaining daw ito, at balanse.

Bilang isang fan ng local movies, plano niyang panoorin ang mga MMFF entries ngayong taon.

“May action, may [Pedro] Calungsod, may drama, may comedy na dalawa, may horror. So for now para maiba ay magiging audience muna ako.”

Makakasama mo kaya si Marian Rivera na manood ng mga MMFF entries?

“Hopefully, hopefully, kasi siyempre all-month long naman iyan, e, hanggang January. At kung pagpapalain ka ay hanggang Pebrero ay ipapalabas iyang mga pelikula, hindi ba? So, sana, sana ay mapanood nating lahat.”

Walang entry si Dingdong this year kaya biniro namin siya na kaya ba hindi ito nagka-entry sa MMFF ay para bigyan naman ng chance na manalo ang iba?

Matatandaan na sa dalawang magkasunod na taon ay itinanghal na Best Actor si Dingdong sa MMFF: sa 2011 edition para sa Segunda Mano at sa 2012 edition para sa One More Try.

“Hindi po, hindi po, hindi naman po,” nakangiting sagot naman niya.

Magkasama ba kayo ni Marian ngayong Pasko?

“Hindi pa po sure, hindi pa one hundred percent sure, pero sana, sana po.”

Paano ba ang nakasanayang ginagawa mo kapag Pasko?

“Noche Buena, tapos after niyon, kinabukasan… you know, usap-usap, bonding-bonding. Kasi, tuwing panahon lang din ng Kapaskuhan, doon lang madalas na nabubuo ang pamilya, hindi ba?

“Ako masaya ako na ganoon… at kailangan ay magkita-kita talaga at magkakasama ang pamilya.”

Ano kaya ang regalong dapat mong ibigay kay Marian?

“Sa kanya? Siguro… ano ba ang regalong dapat ibigay sa kanya? Ah… iyong aking 100 percent na support sa kanyang paparating na teleserye. Yan ang isang bagay na talagang kapag ako ay nagsuporta sa kanya, all out talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati kang nagdirek sa TV, nami-miss mo ba iyon at kailan ka last time na nagdirek?

“Nami-miss ko po, siyempre ay babalik at babalik po ako riyan.

“Matagal na iyon, noong 2003 pa. So, talagang miss na miss ko na rin ang pagdi-direk, e.

"Sobra, I’m so ready, pero siyempre, gusto ko lang din bigyan ng tamang timing. Siguro, baka about two years from now ay makakapag-direk din tayo ulit.”

Kaya mo bang i-direk si Marian?

“Hindi, huwag, ayaw ko,” mabilis na sagot ng actor na bida sa TV series na Genesis ng GMA-7.

“It’s not my thing, kasi alam ko na medyo ano siya, e, mahirap, mahirap kapag isabay ang personal sa trabaho, especially as a director.”

Maraming blessings na dumating sa iyo at patuloy na dumarating, bukod sa nandiyan si Marian, ang mga pelikula mo ay kumikita at may mga acting awards ka nang nakolekta, mayroon pa bang kulang sa isang Dingdong Dantes?

“Oo naman… e, wala pa namang ano… ah… Basta ako ay trabaho lang ang tingin-tingin ko sa lahat. Wala naman po akong kinikita na kumbaga ay… kahit anong… sobra sa ibinigay sa akin. Basta ako ay ina-appreciate ko lang, ginagawa ko lang po yung trabaho ko.

“Wala naman akong inaasam na kung anuman, basta ina-appreciate ko lang talaga kung ano ang mayroon ako.”

Ayon pa kay Dingdong, ang gusto niyang maging next project ay ukol sa mga bayani natin at mga Pilipinong may makabuluhang nagawa para sa bayan.

Inusisa rin namin siya ukol sa mga kritiko ni Marian. Dati kasi ay may mga criticism kay Marian dahil wala pa itong nakukuhang acting award.

Ngunit, ngayon ay may dalawang Best Actress awards na si Marian (una mula sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society para sa Amaya at kamakailan ay para sa Temptation of Wife mula sa PMPC Star Awards for Television). Nominated rin si Marian sa Asian TV Awards bilang Best Actress for Temptation of Wife ngunit hindi ito pinalad na manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Dingdong sa mga kritikong ito?

“Ang masasabi ko lang, sobrang proud na proud po ako sa kanya. It’s very much deserved… and siguro ay timing lang talaga ang lahat.

“Ako ay isa sa mga fan niya and masaya ako na nakuha na niya finally ang isa sa inaasam-asam niya and I’m so proud of her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN