Half-humans and mortals collide in the world of "Kamandag" starting November 19

by Dinno Erece
Nov 14, 2007
Richard Gutierrez (in photo) plays the dual role of Vergel/Kamandag in his new fantaserye. Kamandag will premiere on GMA-7 on Monday, November 19.


Isang makabagong mundo ang makikita sa primetime soap ni Richard Gutierrez na Kamandag.


Spontaneous ang palakpakan ng mga dumating para sa presscon na ginanap noong Lunes, November 12, sa GMA-7 compound, Quezon City. Habang inaawit ni Jan Nieto (Philippine Idol runner-up) ang isa sa tatlong Kamandag theme songs—its love theme na "Mailap Na Landas"—ay nagsilabasan ang lahat ng lead and supporting characters in full costume sa paligid ng Studio 3, evoking the opening theme of the stage musical The Lion King.

From the costume designs of Bill Gustillo and Noel Flores, limang klaseng lipi in full costumes ang magsisiganap sa Kamandag bukod sa mundo ng mga mortal. Tinawag na mundo ng mga Ambog, distinctly different ang look ang costumes ng limang angkan na binubuo ng mga taong toro, taong ahas, taong lobo, taong unggoy, at taong musang.

May sungay at ma-bakal ang mga costumes ng mga taong toro sa pangunguna ni Johnny Delgado bilang si Haring Budog. Ginto at luntian naman ang mga taong ahas sa pangunguna ni Gardo Versoza bilang Haring Saban. White and furry ang mga taong lobo sa pangunguna ni Zoren Legaspi bilang si Haring Gulag. Pinakamakulay naman ang mga taong unggoy sa pangunguna ni Benjie Paras bilang si Haring Dingcol. Red and hairy naman ang mga taong musang sa pangunguna ni Francine Prieto bilang si Reyna Kuran.

Continue reading below ↓

May pangalan din ang kaharian ng bawa't lipi, ang kaharian ng mga ahas na Hasbaya, ang kaharian ng mga taong toro na Orobaya, ang kaharian ng mga taong lobo na Lobobaya, ang kaharian ng mga taong unggoy na Goybaya, at ang kaharian ng mga taong musang na Pusbaya.


Tulad ng Encantadia noon, isang makabagong mundo ang Kamandag na pag-iisahin sa mundo ng mga mortal, complete with its own language.


Si Rodel Cruz ng Encantadia ang gumawa ng buong production set sa mga studio shoots ng Kamandag.


Ito ang ikalawang Carlo Caparas original story na binili ng GMA-7 ang rights after Sunshine Dizon's Bakekang and Robin Padilla's Joaquin Bordado. Si Carlo ang isa sa dalawang storyteller-director na binilhan ng rights ng GMA-7 for materials, the other one being Celso Ad. Castillo.

Ang Kamandag ang panlimang primetime soap ni Richard after being launched sa Mulawin. Pagkatapos ng Sugo, Captain Barbell at Lupin, ito rin ang pagbabalik ni Richard sa isang fully costumed, animal-inspired hero tulad ng kanyang Aguiluz character sa Mulawin.


First time ding magkakaroon ng tatlong ka-love team si Richard: sina Maxene Magalona, Ehra Madrigal, at Jewel Mische. Isa lang ang ka-love team noon ni Richard sa Mulawin, Sugo, at Lupin—sina Angel Locsin, Isabel Oli, at Rhian Ramos, respectively. Dalawa naman ang kapareha niya sa Captain Barbell: sina Camille Prats at Rhian.

Continue reading below ↓

Ang Kamandag naman ang kauna-unahang show ni Eula Valdes sa GMA-7 after being associated with ABS-CBN for so long, mula sa Pangako Sa ‘Yo hanggang sa Maria Flordeluna this year.

Ito rin ang first full TV directorial job ni Topel Lee (nagdirek ng first sequences ng La Vendetta), na nagsimula bilang isang indie director hanggang sa maging mainstream director starting with the "Yaya" episode of Shake, Rattle & Roll 8.


Ang Kamandag din ang pagbabalik sa GMA-7 ni Johnny Delgado, na huling napanood sa primetime soap noon ni Iza Calzado na Te Amo.


Bagama't unang ipinakilala sa bakuran ng ABS-CBN through Star Magic, ito rin ang kauna-unahang Philippine job ng world champion na UFC fighter na si Brandon Vera. Bukod sa naging fight instructor ni Richard ay nabigyan siya ng isang special role bilang The Assassin.

SYNOPSIS. Mula sa orihinal na likha ni Carlo J. Caparas, ang Kamandag ay ang pinakabagong telefantasya na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez bilang Vergel/Kamandag. Siya ang anak ni Haring Saban (Gardo Versoza) at ng mortal na si Alicia (Eula Valdes). Itatakas siya mula sa mundo ng mga Ambog tungo sa daigdig ng mga mortal.

Continue reading below ↓

Sa kabutihang palad, ang prinsipe ng Hasbaya ay tatanggapin at mamahaling parang tunay na anak ng mag-asawang kukupkop sa kanya, sina Domeng at Elena (Emilio Garcia at Melissa Mendez).

Mabuti ang pagpapalaki sa kanya, kaya naman matatak sa kanyang isipan na tanging sa kabutihan niya lamang gagamitin ang angking kapangyarihan.

Ang dating Vergel ay makikilala na bilang Kamandag—ang bagong tagapagligtas ng lahat ng nilalang.

Magsisimula ang Kamandag sa Lunes, November 19, sa GMA Telebabad.


Click MORE PICTURES to view photos of the cast members.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez (in photo) plays the dual role of Vergel/Kamandag in his new fantaserye. Kamandag will premiere on GMA-7 on Monday, November 19.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results