Derek Ramsay on being pursued by women onscreen: "Sana, hindi makalimutan ng mga tao na umaarte lang ako.”


Kadalasan ng mga role na nagagawa ni Derek Ramsay sa pelikula ay pinag-aagawan siya ng mga babaeng karakter. Ngayon naman sa telebisyon ay pinag-aagawan rin siya ng dalawang babae sa weekly serye ng TV5 titled For Love or Money.

Kaya natatawa si Derek nang makausap namin sa taping ng For Love or Money sa North Greenhills dahil sa serye nga nila, pinag-aagawan pa rin siya ng karakter nina Alice Dixson at Ritz Azul.

Birong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay kung sanay na ba siyang pinag-aagawan palagi ng mga babae.

Natatawang birong-sagot naman ni Derek, “Next year, dalawang lalaki naman.”

Pero, mabilis din niyang sinunod na, “The network is trusting me. Sa pelikula, sanay na tayong makita sa ganyan. So, it’s not hard when you have two beautiful ladies fighting for you, in every project that I do. But, sana, hindi makalimutan ng mga tao na umaarte lang ako.”

Sa For Love or Money, naiipit siya ngayon sa karakter nina Alice na lumalabas na “mistress” niya sa serye at sa misis niya rito na si Ritz.

Kung nagkataon na siya ang masusunod, sino ang pipiliin niya sa dalawa?

“Wow!” nakangiting sabi niya.

“Si Edward, na-in-love talaga kay Kristine (Alice), pero, mahal din niya ang asawa niya. Makikita niyo kung ano ang mangyayari. Pero, for me, personally, doon ako kay Roselle (Ritz). Hindi lang dahil sa asawa ko na siya dahil mahal ko. Hindi dahil sa asawa ko lang.”

Pero, na-in-love rin naman siya kay Kristine?

“I fell in-love with Kristine because of the stress, the hardship in our marriage. In the sense na hindi kami magka-anak and big question yung priorities. She seems more interested in making more money, which is not a bad thing, pero, gusto niyang umahon kami sa hirap sa Pilipinas.

“Ako naman, ang priority ko is to have a child. And I see the child of Kristine na hindi naman siya masamang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahan naman naming tinanong si Derek kung sa totoong buhay na, kanino kaya siya maa-attract bilang siya na at hindi si Edward na karakter niya sa For Love or Money sa dalawang leading ladies niya?

“Kung ako? Wow! Ang hirap ah… mahirap, mahirap,” sabi niya.

“Kasi ako, hindi ako papayag yung ginawa ni Edward. To please my wife, yung tanggapin ang pera? I have so much pride. Ako yung lalaki, ako ang magtatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN