Jennylyn Mercado opens up about challenges of portraying someone with dissociative identity disorder

In Rhodora X, Jennylyn Mercado portrays a woman with dissociative identity disorder.


Nagpahayag ang GMA-7 actress na si Jennylyn Mercado ng kasiyahan sa project niyang Rhodora X sa Kapuso Network.
Ayon kay Jennylyn, kahit mahirap, masarap gawin ang kanyang mga eksena dahil lumalabas siyang bida-kontrabida na may multiple personalities.
Anyaya pa niya, “Pero abangan nila kasi mahirap i-explain, e.
“Para sa akin, ‘eto na yung pinaka-challenging ko sa lahat.
“Ako, kinailangan pa naming mag-consult sa psychiatrist, ganoon siya ka-delikado kasi puwede kong madala yung character sa bahay, sa trabaho.
“Tapos, yung psychiatrist na yun, siya rin yung nag-aalalay kung paano mo iko-control.
“Siya rin yung nagturo sa amin kung ano ba yung DID [dissociative identity disorder]—identity disorder siya, multiple identity."

Ayon sa www.webmd.com, ang dissociative identity disorder (previously known as multiple personality disorder) ay epekto ng "severe trauma during early childhood, usually extreme, repetitive physical, sexual, or emotional abuse."
Nagkuwento si Jennylyn sa magiging role niya sa Rhodora X.
“Meron siyang dalawa o higit pa na identity. Parang Sybil na movie.
“Yun naman, thirteen characters, ‘eto naman, two to three characters, iba-iba.
“Meron akong character na mabuti which is si Rhodora.
“Nagkaroon kasi siya ng masamang experience sa buhay noong bata pa siya… parang doon nabuo yung trauma.
“So hindi kinaya ng bata yung trauma kaya nagkaroon siya ng disorder.
“Parang yung mga hindi niya kayang gawin, yung isang character ang gumagawa para sa kanya.
“Yun bang, ‘O, hindi mo kayang lumaban, Rhodora. Sige, si Roxanne ang gagawa para sa iyo.’
“Mahirap siya talaga, yung shifting ng character, grabe.
“Umiiyak ako dahil masakit ang ulo o nasaktan ako. Pagtayo ng ulo ko, iba na ako, lalaban na ako.
“Magli-lipstick na ako ng pula, ako na si Roxanne, iba na—ganoon kabilis yung shifting.
“Ikaw rin mismo ang gagawa on the spot, pag-pitik nila, iba na ang character mo.
“Yung psychiatrist, nandoon bago kami mag-start ng taping, lahat ng staff, aral.
“Aral sa condition ng DID para alam ng writer, director—lahat. Para alam nila kung ano yung totoong nangyayari sa buhay.

“Yung mga viewers kasi, matatalino na, e, so hindi na sila puwedeng maloko na parang, ‘Bakit ganito? Hindi naman yata ganito yun.’
“So ingat kami para hindi nila isiping baliw lang.
“Gusto namin malinaw sa audience kung ano talaga yung nangyayari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN