Arjo Atayde finds it "physically and emotionally draining" to portray a homosexual



Sa unang pagkakataon ay gaganap ang ABS-CBN actor na si Arjo Atayde bilang isang bading sa special episode ng Maalaala Mo Kaya para sa Bagong Taon.

Sa January 4, 2014 ipapalabas ang MMK episode na Gay Parent na mula sa direksyon ni Raz dela Torre.

Makakasama ni Arjo sa naturang episode si Felix Roco bilang lalakeng nakarelasyon niya. Kasama rin sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo at Ella Cruz.

Gaganap si Arjo bilang isang gay father at ipapakita kung paano niya pinaglaban at prinotektahan ang kanyang binuong pamilya sa kabila ng mga hindi magagandang sinasabi sa kanya.

Sa pagganap ni Arjo bilang bading, pinasuot siya ng wig at make-up. Kung kanino siya kumopya sa pagganap niya bilang isang gay, pinag-aralan na lang niya ang mga kilos at pananalita ng mga bading na barkada ng kanyang actress-mom na si Sylvia Sanchez.

“I have huge respect sa mga gays. Hindi ako nahihiyang sabihin that I grew up with gays," pag-amin ni Arjo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Maalaala Mo Kaya kamakailan.

“Si mommy, most of her friends mga bading kaya wala pong problema sa akin.

“Lahat naman sila kilala ko kasi bata pa lang ako, sila na ang kilala kong mga kaibigan ng mommy ko.

“Nakakasama namin po sila sa mga lakad namin. Madalas nasa bahay sila kaya nakasanayan ko na sila when I was growing up.

“Kaya wala akong issue with gay people kasi yung mga nakilala ko, mababait at mga kagalang-galang.

“That’s why never akong naiilang sa mga gays kasi I enjoy their company.

“They have this unique sense of humor. Kapag nasa bahay nga sila, nage-enjoy akong pakinggan ang mga kuwento nila.

“They’re very funny at mga totoong tao sila.

“They say what’s on their mind. They’re very straightforward.

“Ang mommy ko naman po, hindi siya magki-keep ng mga gay friends kung hindi po niya napagkakatiwalaan at tinuturing na part ng family namin.

“Kaya ako, kapag okay kay mommy, mas okay po sa akin. Kung sino ang mahal ni mommy, mas minamahal ko pa."

Sa pagganap ni Arjo bilang isang bading, mas lalo raw niyang naintindihan ang mga bading.

“Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after doing this role for MMK.

“This is not the typical gay story. May malalim na kuwento ito and it was physically and emotionally draining for me.

“Marami po akong emotions na nilabas dito just to get into the right character,” aniya.

Ito ang pangatlong MMK episode na pinagbidahan ni Arjo since nag-fulltime na siya sa pagiging artista.

Una siyang nagbida sa MMK episode na "Bangka" kunsaan nanalo pa siya ng acting award mula sa Philippine Movie Press Club Star Awards in 2012.

Sumunod naman ang episode na "Love Story" kunsaan nakasama niya si Kiray Celis.

“Natutuwa naman ako na pinagkakatiwalaan ako ng MMK sa mga ganitong mga mabibigat na roles—roles that are not within my comfort zone.

“Dito sa MMK nate-test ang mga nalalaman ko sa pag-arte. MMK is a good training ground for new actors like me and I am lucky and thankful that I was able to work with the people of the show.”

Ngayong 2014 ay magbibida si Arjo sa local adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love kunsaan makakatambal niya si Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN