Rafael Rosell: "I’m ready to act like a father...but to have a child of my own, hindi pa ako ready."

(L-R) Rafael Rosell, Camille Prats, and TJ Trinidad topbill GMA-7's upcoming afternoon series The Borrowed Wife.



Itinuturing ni Rafael Rosell na maagang blessing para sa New Year ang afternoon soap na The Borrowed Wife.

“Blessed and lucky! Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa GMA talaga for giving me this opportunity.”

Gusto raw niya ang karakter niya sa show bilang si Richard.

“I think it’s a very balanced character dahil the problem lies in how people handle conflicts, di ba?

"So, sa audience, pag nanonood sila, nasa kanila na kung sang-ayon ba sila sa pag-handle niya ng situation dahil siyempre every guy gets trapped in a situation, na he has to make a choice or a sacrifice, and desperate times calls for desperate measures.

“So, nasa tao na yun kung sang-ayon sila dun, di ba?”

Sa The Borrowed Wife, ang karakter ni Rafael na si Richard ay magtataksil sa asawa niyang si Maricar (Camille Prats) at matutukso sa best friend ng asawa niyang si Tessa (Pauleen Luna).

Magpapakalayu-layo si Maricar at hindi na makakawala si Richard kay Tessa sa paniniwalang namatay na ito.

Lingid sa kanilang kaalaman ay nasangkot sa isang aksidente si Maricar at papalitan ang mukha nito ng cosmetic surgeon na si Earl (TJ Trinidad).

Ironically, nakatrabaho na ni Rafael ang tatlong co-stars niya sa The Borrowed Wife noong silang apat ay nasa ABS-CBN pa.

“Second time ko na with Camille, first was Arriba, Arriba.

“Medyo iba yun kasi comedy yun, e, matindi naman itong The Borrowed Wife, drama ito, mas seryoso so hindi ko pa siya nakakatrabaho sa ganyang field.

“Kami naman ni Pauleen nagkasama kami sa Marina, pagkatapos yata ng Marina dun siya lumipat, e. Si TJ nakasama ko dati sa Prinsesa Ng Banyera.”

Ano ang kaibahan ng role niya dito sa iba na niyang nagawa dati?

“This is a very mature role. Sa kick-off pa lang ng show may anak na yung character ko. So sa umpisa I was a little bit reluctant about being a father.

“I haven’t played a father pa so I’m really looking forward to it. “Yung totoong tatay na for a longevity of time dahil sa Maghihintay Pa Rin parang conflict, e, di ba? Pero dito it’s the first time na I’ll be a father figure to a kid sa series.”

Sa tunay na buhay ay hindi pa raw handa si Rafael na maging isang ama.

“No, I’m not ready. I’m ready to act like a father, I’m ready to be there and for my friends’ children but to have a child of my own, hindi pa ako ready, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN