Is Max Collins willing to pose for FHM?

After starring in the indie film Bamboo Flowers, Max Collins wants to be part of a mainstream movie.



Seryoso sa kanyang acting career si Max Collins, kaya naman after ng first movie niyang Bamboo Flowers ay umaasa siyang marami pang projects ang gagawin niya sa hinaharap.

Sa ngayon ay napapanood si Max sa SAS (Sunday All Stars) at Bubble Gang ng GMA-7, pero gusto raw niyang makaranas din ng iba’t ibang klase ng role sa pelikula.

“Yup, after kong mag-indie ay gusto ko namang masubukan ang mainstream,” panimulang saad ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Gusto ko ay drama, kahit anong movie. Pero parang gusto ko ring ma-try yung love story na movie.

“Iyong mga napapanood lately sa sinehan, gusto kong gawin yun… Kasi bukod sa indies, gusto kong ma-try or ma-experience what it’s like to be in a featured film, kasi never akong naging part ng featured film, e,” dagdag pa ni Max.

Sinong artista ang gusto niyang makasama?

“Kahit na sino, basta movie, kasi iba talaga ‘pag movie, e, iba yung feeling ‘pag napapanood mo yung final product, sobrang ganda.”

Ano ang gusto mo pang mangyari sa iyong career?

“Gusto kong magkaroon ng magagandang projects, iyong makaka-touch sa mga tao, sa mga viewers, na mapapanood din ng viewers sa abroad at mata-touch din sila.

“Para na rin po mas maintindihan din nila ang culture ng Philippines and how talented Filipinos are. That’s my dream, to give pride to my country, give pride to my fans, give pride to all the people who believe in me.

“Gusto kong maging proud sila sa akin, sobrang mahal na mahal ko po itong trabaho ko.”

Inusisa rin namin si Max kung kaya na ba niyang magpa-sexy sa movies.
“Opo, kaya ko. I mean, depende kung bagay po sa akin ang role. Like sa teleserye or sa movie, kung maganda po talaga ang role, pag-iisipan ko talaga yun.”

Gaano ka-sexy ang magiging limitations niya?

“Depende sa role. I guess ano, kailangan sa lahat ay tasteful ang execution.”

Idinagdag pa ni Max na sa ngayon ay pinaghahandaan din niya ang pagsabak sa mga eksenang kailangan siyang magsuot ng sexy bikinis.

“Pinaghahandaan ko po yun, e, nagda-diet ako. So, kaya naman… kaya naman,” nakangiting paliwanag niya.

Kaya mo ba yung mga eksenang kailangan kang mag-wet look?

“Pwede po, bakit hindi? Basta dapat lang po, yung maganda ang role, basta maganda yung role and challenging siya…and dapat matino at hindi basta yung nagpa-sexy lang ako talaga.

“Important po iyon, dapat may dahilan talaga ang pagpapa-sexy. Dapat matino yung project, dapat may laman ang character at mayroon siyang puso…,” sunod-sunod na litanya ni Max.

“Iba kasi talaga kapag nagpapa-sexy lang, I mean, dapat ay hindi pilit… na inilagay lang [yung sexy scenes] para sa male crowd.

“Tapos… basta ang gusto ko po ay may kuwento dapat talaga. Kasi, mas I consider myself as an actress at yun po ang path ko. So, ayokong mag-change ng path. And bilang actress po, kakayanin ko yung mga ganun, basta dapat ay hindi malaswa ang magiging labas nito.”

Nakipag-love scene ka na ba kahit sa TV or movie?

“Sa Pahiram ng Sandali po, pero hindi naman super love scene, pero medyo daring lang ng konti.”

So, kung sa mas daring na pelikula ka sasabak, sino ang mas preferred niyang leading man?

“A… wala akong maisip, e, sino ba? Siguro depende rin talaga sa character kung sino ang babagay dun.”

Kung halimbawang sina Dingdong Dantes or Piolo Pascual, okay ba iyon sa kanya?

“Opo, sobrang thankful ako kung sila ang magiging leading men ko. Sobrang it would be an honor to work with them at marami silang fans, ‘di ba?

“Pero kahit po sino ay okay lang naman sa akin talaga. Basta magiging maganda ang kalalabasan ng project, yun ang mahalaga talaga,” nakangiting tugon pa niya.

Inusisa rin ng PEP kung willing na mag-pose sa FHM?

“Sa ngayon po, ayoko muna pong gawin yun. Kasi, baka magbago rin po ang career ko. Sa ngayon ay gusto ko pong tumutok sa acting talaga.”

Pero sinabi rin ni Max na kung ito ang magiging decision ng kanyang manager ay wala naman sa kanyang magiging problema.

“Kung yun po ang decision ng management ko, sobrang okay po sa akin yun. Kasi, sila nagpa-plan po ng career path ko. So, kung okay rin sa kanila, okay na rin sa akin.”

Kung sakali raw, gusto niya ay maging tipong Alice Dixson ang kanyang pagpo-pose sa men’s magazine.

“Opo, parang yung kay Ms. Alice Dixson type, ang galing niya, e, sobrang fan po ako ni Ms. Alice Dixson. Saka strong woman siya, kahit na sexy ay strong pa rin siya at ang galing niya.

“So sana, one day ay ma-achieve ko rin yun, kahit na kalahati or one fourth. Kasi 44 na siya and sobrang sexy pa rin niya. At wala man lang touch na malaswa iyong ipinakita niya po roon, e.”

May plano ka bang maging beauty queen?

“Sa ngayon po wala naman, pero I don’t want to close any doors,” nakangiting wika niya. “Kasi, the only thing is, like… there’s big shoes to fill. Kasi nanalo na po si Megan [Young], kasi pinsan ko rin si Megan. So, sobrang happy ako para sa kanya and I’m proud of her.

“It would be a dream of mine to someday reach the point of stardom na mayroon siya ngayon. But I don’t know kung kaya ko, kasi, takot ako sa competition,” nakatawang paliwanag pa ni Max.

May nag-e-encourage ba sa kanyang kaibigan, relatives, o sa PPL para sumali sa beauty contest?

“Noong bata po ako, tapos ngayon, minsan may mga nagco-comment… pero sa ngayon po parang medyo hindi po ako sure. Wala po kasi akong lakas ng loob talaga, e.

“Pero sa ngayon po, ang inaabangan ko talaga ay yung susunod na teleserye ko, yun ang gustong-gusto ko e, kasi passion ko talaga ang pag-arte. So, parang doon ako tumututok ngayon e, hindi sa beauty contest.

“Kaya kung papipiliin ako between maging beauty queen o sa acting, mas gusto ko talaga ang acting po, e, dito po kasi ako masaya,” nakangiting pagtatapos ng 21-year-old Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN