Eula Caballero, Nadine Samonte, and Empoy Marquez excited to work with Joey de Leon in One of the Boys

The cast of TV5's One of the Boys: (front row, L-R) BJ Forbes, Empoy Marquez, Eula Caballero, Joey de Leon, Nadine Samonte, Tita Chris, and James Salazar; (back row, L-R) Michael McDonnell, Daniel Marsh, Henry Edwards, Brian Wilson, Benjo Leoncio, and Charlie Sutcliffe.


Isa sa mga programang pinaghahandaan ngayon ng TV5 ay ang romantic-comedy series na One of the Boys. Pagbibidahan ito nina Joey de Leon, Eula Caballero, Nadine Samonte at ng five-member group na Juan Direction.

Ginanap nitong Martes, January 7, ang unang story conference ng kanilang programa sa TV5 office sa Broadway Centrum, Quezon City.

Excited na ang TV5 drama princess na si Eula Caballero dahil matagal niya nang nais subukan ang ganitong klase ng role. Kaya naman, ibinahagi ng 18-year-old actress ang kanyang magiging role sa nasabing programa.

Gaganap si Eula bilang si Gabrielle "Gabi" Silang, ang panganay na anak ng karakter ni Joey de Leon na si Jerry Silang, also known as Daddy Jerry.

Kuwento ni Eula, “My role… I’m Gabi kasi kaming magkakapatid pinangalanan kami according to the time of the day na pinanganak kami.

“Ako yung, kumbaga, yung panganay. So ako yung kumakayod for the family, nagda-drive ako ng taxi to make a living kasi may sakit yung tatay ko, si Sir Joey de Leon.

“I’m boyish, hindi tomboy, boyish because everyone in the family, in the house, and in the talyer, they are all boys.

“So parang nakukuha ko siya with the way I talk, with my everything… lahat, yung pananalita, pananamit.

“I’m very responsible because I think that I have to be the mother since we don’t’ have our mom with us na sa family so I have to be resposible.

“And then, responsibilidad ko ang pamilya ko, ang talyer, to keep it going… ang negosyo.”

Mapapasabak din sa pagpapatawa ang StarStruck alumna na si Nadine Samonte. Aminado ang aktres na isa itong challenge para sa kanya dahil hindi pa niya alam kung paano ang gagawin atake sa pag-arte dahil isang kontrabida ang kanyang gagampanan.

Gaganap bilang Jana Halliwel si Nadine na magiging karibal ng karakter ni Eula sa kanilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually iniisip ko nga yun kanina pa, e. Hindi ko alam kung paano,” pag-amin ni Nadine.

“Pero tingin ko pag andun na magagawa ko na yun kasi parang kung iisipin ko pa lang ang hirap.

“Kasi hindi ko pa nagagawa yung comedy pero nakagawa na ako ng kontrabida.

“Pero hindi ko alam kung paano ko sila pagkokombaynin [combine] ng mukhang cute, mukhang comedy, katawa-tawa pero nakakairita, yung ganun.

“Let’s see in the process kung ano yung mangyayare.”

Dagdag pa niya, “Masarap yung ganung klaseng role kasi nacha-challenge ako kung paano ko aayusin, kung paano ko gagawin yung character ko.”

Ipinagpapasalamat naman ng komedyante na si Empoy Marquez na sunud-sunod din ang projects na ginagawa niya para sa TV5.

Sabi ni Empoy, “Siyempre natutuwa ako kasi naaano ako ng tao, nare-recognize. At saka sunud-sunod yung good vibes na nangyari sa akin sa tanang buhay ko.

“And in the year of 2014, sana mas marami pa akong mapasaya.”

Ang Artista Academy finalist na si Benjo Leoncio ay naghahana na rin para sa role na kanyang gagampanan.

Ani Benjo, “Hindi pa naman masyado mabigat pa yung role ko pero pinag-aralan ko naman yung puwede kong gawin. Ngayon nga binigyan nila ako kung anong puwede kong suotin, yung ganun.”

WORKING WITH A LEGEND. Ito ang pagbabalik ng komedyante na si Joey de Leon sa primetime block ng Kapatid Network. Ito rin ang unang beses na makakatrabaho ng TV5 stars si Joey kaya naman excited ang buong cast na makatrabaho ang TV host-comedian.

Sabi ni Benjo, “Nakakatawa na exciting siya kasi comedian siya, e, and first time ko mag-comedy na kasama siya. Siyempre, hinahangaan ko lang siya dati sa TV.”

Isa naman sa inaabangan ni Empoy ay ang mga bonding moments kasama si Joey. Aniya, “First time ko siyang makakatrabaho, si Daddy Joey. Siguro, I’m looking forward na mas mag-combine yung mga bonding namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga kaalaman niya mai-share niya sa amin at yung mga kaalaman namin mai-share namin sa kanya at mapatawa namin siya.”

Umaasa rin si Eula na marami siyang matutunan kay Joey lalo’t matagal niya nang gustong gumawa ng isang comedy project.

Wika ni Eula, "I really want to learn a lot from him. Kahit nga yung sa show lang na hinu-host niya dati, yung Hayop Sa Galing, just throwing spiels, sobrang galing niya.

“Yung timing, tamang-tama, so I want to learn that as an actress."

Inaasahang ipapalabas ang One of the Boys this March 2014 tuwing Martes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN