Joem Bascon, pasok sa semi-finals ng "Pinoy Mano-Mano"


Nagwagi si Joem Bascon (in photo) sa laban nila ni EricFructuoso sa November 17 episode ng Pinoy Mano Mano. Sa Round 2 ngkanilang laban, sumenyas na si Eric na hindi na niya kayang ipagpatuloy anglaban kung kaya't hinagis ng kanyang coach ang isang robe sa ring bilangsenyales na sumuko na ang dating miyembro ng Guwapings.


Mula sa walong celebrity contenders ng Pinoy Mano*Mano:the Celebrity Boxing Challenge, apat na lang ang natitira upang magtagisanng lakas at bilis ng kamao sa semi-finals ng naturang reality boxingcompetition.

Sahuling laban ng Pinoy Mano*Mano nitong nakaraang Sabado, November 17,tinalo ni Joem Bascon si Eric Fructuoso. Gusto sanang lumaban pa ng datingmember ng Guwapings na si Eric pero di na kaya ng kanyang right hand dahil samatinding sakit na naramdaman nito sa paglagutok ng kanyang buto sa balikat.

Dahildito, pumasok si Joem sa semi-finals ng Pinoy Mano*Mano kasama sinaJordan Herrera, Rico Robles, at Michael Roy Jornales.
Tiyakna kaabang-abang ang laban nina Michael at Rico na parehong may tig-isangpanalo na. Sa November 24 episode ng Pinoy Mano*Mano, magkakaharap ang martialarts competitor na si Michael at ang dating Pinoy Big Brother CelebrityEdition 1 housemate na si Rico. Marami ang nagsasabing magiging maganda anglaban ng dalawa dahil sa parehong magaling; bukod sa pagiging martial artsexpert nitong si Michael ay dati nang boksingero naman si Rico naman.

Sasusunod na Sabado, December 1, ang pagtutuos nina Joem Bascon at JordanHerrera. Si Joem ang pinakabatang celebrity contender, samantalang si Jordan aydating miyembro ng grupong Powerboys.

Kungsino man ang mananalo sa laban nina Rico at Michael at laban nina Joem atJordan ay sila ang magkakaharap sa final round ng Pinoy Mano* Mano: theCelebrity Boxing Challenge.

Maymga nagsasabi na kawawa ang makakalaban ni Rico sa championship dahil sasiguradong lamog at bugbog ang aabutin nito, sakaling matalo niya si MRJ.

Gayundindaw kung si Michael ang mananalo, kawawa ang makakatapat nito dahil sa pagigingpalaban at experto nito sa karate, gaya nang ginawa nitong pagbugbog kay BiboyRamirez sa loob ng ring.

Madalasngang sinasabi ni Michael na pagdating sa ring, walang kaibi-kaibigan,nagba-'blackout' daw siya at walang nakikilala, lahat ng tatapak sa ringkakainin niya.

Perohuwag daw husgahan itong si Jordan, balita kasi na seryoso itong nag-eensayo.Katunayan nga, ang laki ng ibinaba ng timbang nito sa loob ng isang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinokaya sa kanila ang magiging kauna-unahang Pinoy Mano*Mano grandchampion?

Abangan ang Pinoy Mano*Mano: the Celebrity BoxingChallenge sa bago nitong timeslot na 10:30 p.m. sa ABS-CBN. Kasama ang hosts CesarMontano at Bayani Agbayani, huwag palampasin ang semi-final round ng PMMpagkatapos ng XXX at replay nito sa Linggo ng umaga, pagkatapos ng PrincessHours sa Kapamilya Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN