Gelli de Belen differentiates TV5's Confessions of A Torpe from Betty La Fea

(L-R) Ogie Alcasid, Mark Neumann, Shaira Mae Dela Cruz, and Gelli de Belen, are some of the stars of TV5's Confessions of A Torpe. Topel Lee (right) directs this teleserye, which is expected to air by February 2014.



Para kay Gelli de Belen, kakaiba ang bagong role na gagampanan niya sa upcoming TV5 show ngayong buwan ng Pebrero, ang Confessions of A Torpe. Gaganap si Gelli bilang best friend ni Ogie Alcasid na siyang bida na mai-in love sa kanya later on.

Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa January 10 story conference sa Broadway Annex, Quezon City, ikinuwento ng aktres ang kakaibang papel niya na mala-Betty La Fea ang dati.

Natatawang simula niya, "Weird nga, e. Isa ako ritong nerd na more of may gusto ako kay Ogie pero mag-best friend kami.

"Nakita naman kanina yung magiging hitsura ko, di ba?

"Sabi nga nila patterned kay Betty La Fea but I hope not. Ilayo natin, di ba, para hindi naman ganun ang isipin nila.

"Kaya nga, still, I would try to look different."

Wala naman daw problema kung sakaling magmukha siyang pangit sa TV as long as yun ang hinihingi ng kanyang character.

Aniya, "Oo naman. Kasi sayang naman.

"Okay lang yung papangitin as long as makakapagsalita pa rin ako ng malinaw.

"Yung naman ang concern ko, otherwise, ayoko naman na andun yung looks pero hindi naman ako makaarte, di ba?

"At saka tingnan mo naman ang casting, puro mga beterano't beterana."

Ang itinuturing ni Gelli ay ang ilang miyembro ng cast na sina Alice Dixson, Jojo Aguilar, Wendell Ramos, Bibette Orteza, at Pilita Corrales.

Diin pa niya tungkol sa makakasama niya sa family-comedy show, "Especially for this show, ha?

"I think first time na makasama si Tita Bibette as an actor, ha? Kasi before, I've worked with her pero nasa likod siya ng camera.

"Then si Tita Pilita...oh, wow, she's a big joy to work with.

"And then we have Alice and Ogie. Bagong loveteam na I'm sure kagigiliwan ng TV audience."

Pagkatapos nito ay nagbalik tanaw na ang aktres sa nakaraang 2013 na may kinalaman sa kanyang TV career.

Ayon sa 40-year-old actress-TV host, "2013 was still a good year.

"It's the year that I started doing these shows dito sa TV5.

"Yeah, it was a good year and I'm pretty excited ngayong 2014.

"To start with nga, itong bagong show namin na hindi siya ganun ka-heavy, light lang siya and we just want to entertain.

"C'mon, pagpaalis lang ng stress, enjoy-enjoy lang."

Sa kabila ng pagiging komedyana niya at TV host ngayon, hinahanap pa rin ng mga tagahanga niya ang pagiging isang magaling niyang aktres.

Matatandaan na nanalo si Gelli bilang Best Actress para sa pelikulang The Secrets of Sarah Jane: Sana'y Mapatawad Mo noong 1995.

"Kahit ako ay hinahanap ko pa rin yun," pag-amin ni Gelli. "TV5 has a lot of shows coming up and they have a lot of stuff coming up like drama.

"It may not be a full soap but it could be shows where I can still do drama kasi baka mangalawang na ako, hindi ko na alam. Hahaha!

"You can see naman that TV5 is picking up at nagkaroon ng planning na nagkaroon ng direksiyon, so it's exciting to all of us.

"Sana nga tuluy-tuloy."

Samantala, marami pa rin ang nagsasabing baka lumipat na rin siya sa ABS-CBN na para naman sa kanya ay mukhang imposible pang mangyari.

"Of course, everyone's thinking kasi nga nandoon si Janice [de Belen, Gelli's sister]," pahayag ni Gelay (palayaw ni Gelli).

"Nag-guest ako sa ABS-CBN and Ariel [Rivera, Gelli's husband] is there, Carmina [Villarroel] is there.

"'Huh? Okay, kaya lang mas andito ako, e [sa TV5].

"Paano ako pupunta dun, e, ang dami kong ginagawa rito.

"Okay lang ako dito...happy ako dito sa Kapatid [Network]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN