Angelu de Leon brings life to a mother taking care of a child with hydrocephalus in Magpakailanman

Ryan Eigenmann and Angelu de Leon co-star in an upcoming episode of Magpakailanman.



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


Nauubos ba ang pananampalataya?


Deboto si Jacky ng Santo Niño. Naniniwala siya na kahit anong problema ay kaya niyang harapin sa ilalim ng gabay at awa ng batang santo. Pero nang kaniyang ipanganak ang bunsong si Junjie, masusubukan ang kaniyang debosyon sa kaniyang santo. Mada-diagnose ng mga doctor ang sanggol na may hydrocephalus, isang sakit kung saan lumalaki ang ulo ng bata dahil sa tubig na nakapasok sa ulo nito.


Isa itong sakit na kailangan ng immediate na operasyon para hindi mapapano ang bata.


Maniniwala si Jacky na sa gabay ng Santo Niño ay magagawa niyang makahanap ng paraan para maipagamot ang sanggol. Ngunit tila tinalikuran siya nito kasabay ng pagtalikod sa kaniya ng biyenang inuutangan.


Hindi bibitiwan ni Jacky ang kaniyang pananampalataya sa santo. Gagawa siya ng paraan para kumita ng pera. Gagamitin niya ang pagiging deboto niya, papasukin ang pagiging Tindera-Sinulog. Pero sa paglipas ng panahon ay lalo pang lalala ang kaniyang anak.


Sa pag-deteriorate ng kalusugan ng kaniyang anak, unti-unti na ring magde-deteriorate ang paniniwala ni Jacky sa mga milagro ng kaniyang santo. At sa paghina ng kaniyang pananampalataya, isang huling pagsubok ang darating sa buhay nila ng pamilya niya.


Paano ba magdarasal ang taong nawawalan na ng paniniwala?


Ano ang laban ng dasal sa isang sakit na kayang kumitil ng buhay ng isang inosenteng sanggol?


Itinatampok sina Angelu de Leon bilang Jacky, Ryan Eigenmann, Rich Asuncion, Anika Tindoy at Chanda Romero.


Mula sa direksyon ni Argel Joseph at sa pananaliksik at panulat ni Jonathan Cruz, alamin ang kahahantungan ng kuwento ni Jacky—isang Tindera-Sinulog, ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman—“Ang Huling Dasal ng Isang Ina” pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN