Alden Richards on shooting love scenes with Marian Rivera: “Kung ano po yung hingin ng script, wala po akong arte diyan.”

In GMA-7's upcoming primetime teleserye Carmela, Alden Richards falls in love with Marian Rivera's character who is the daughter of a prostitute.



Nakatatlong taping days na si Alden Richards para sa GMA-7 primetime soap opera na Carmela.

“Pero sila po, nakarami na. Halos more than half a month na po silang nagte-taping,” sabi ni Alden sa isang panayam with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta ang pagtatrabaho niya sa Carmela kasama ang kanyang leading lady na si Marian Rivera?

“Masarap, masaya po, masayang katrabaho si Yan.

“Eto po yung parang sa lahat ng istorya, ito yung getting-to-know stage sa characters po namin.

"So, light pa lang, wala pang masyadong heavy.

"Ang heavy po sa akin, yung sa family."

Sa kuwento ni Alden tungkol sa teleserye, nanay niya rito si Jaclyn Jose.

"Iniwan po kami ng dad ko for another woman, and then si Tita Jane [Jaclyn], hindi niya matanggap na iniwan kami.

"So, ang mahirap sa part ko, parang ako rin yung nag-aalaga sa kanya.

“Tapos nakilala ko si Carmela [Marian], dun ko nahanap yung parang pagmamahal ng isang babae."

At doon na magsisimula ang love story nila ni Carmela.

Isang prostitute naman ang nanay ni Carmela, na gagampanan ni Agot Isidro.

Galit daw ang taumbayan sa karakter ni Agot dahil, paliwanag ni Alden, "kinabit niya halos lahat… asawa, pati yung lolo ko po, hanggang ipinagbuntis niya si Carmela."

Ipinagpatuloy ng aktor ang masalimuot na kuwento ng Carmela.

"Hindi alam ng taumbayan kung sino ang ama ni Carmela, at hindi rin nila alam na anak siya ni Miss Agot.

“In-outcast kasi si Miss Agot dito, so napatira siya sa bundok at doon lumaki si Carmela."

Dumating daw ang panahon na kinailangan nang bumaba ng bundok at magtrabaho si Carmela dahil wala silang pangkabuhayan at nagkasakit pa ang karakter ni Agot dito.

Patuloy ni Alden, “Minahal agad siya ng mga tao kasi ang ganda, tapos ang bait.

"Tapos, may nagbulgar po ng sikreto niya, yung character ni Janine, si Krystal Reyes po iyon.

“Nang nalaman po na anak siya ni Miss Agot, nagalit yung mga tao, kasi akala nila ganun din yung gagawin ni Carmela sa mga [lalaki doon].”



ON HIS LOVE SCENES WITH MARIAN. Magkakaroon ng love scenes sina Marian at Alden, at hinahanda na ito ng writer ng Carmela na si Suzette Doctolero.


Hanggang saan ang kaya ni Alden na gawin pagdating sa love scenes?

“Kung ano po yung hingin ng script, wala po akong arte diyan,” ang nakangiting sibi niya.

Handa na rin ba siyang pagselosan ni Dingdong Dantes, na boyfriend ni Marian?

Sabi ni Alden, “Siguro hindi naman po.

"Kasi ganun din naman si Kuya Dong sa mga trabaho po niya, e.

"Trabaho lang ito, walang personalan.

Handa na rin ba siyang awayin ng fans nina Marian at Dingdong?

“On my part, talagang yung mga fans ko po.

"Pero talaga, ito sa project na ito, at sino ba naman ang aayaw kay Marian?

“Dun sa side ni Yan, sa mga DongYan, siyempre may mga naririnig-rinig pa rin po akong negative feedback.”

Anu-ano ang mga negative na ito?

“Parang, gagamitin ko lang daw si Yan dito sa soap.

"Bakit ako yung napili, marami naman daw puwede."

Ano ang naramdaman niya nang narinig niya ang mga negatibong komento?

Sagot ni Alden, “Quiet na lang po ako.

“In-anticipate ko na rin po kasi, first, si Marian ang dami nang naging soap.

"Tapos, mostly dun, kay Kuya Dong siya naka-partner.

"Of course, yung fans nila, solid na talaga.

“Handa naman po ako, e, tanggap ko naman po lahat.

"Pero tahimik na lang po ako sa bagay na 'yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN