Camille Prats on shooting love scenes: "I limit myself with what I do kasi may anak ako."


Sa bagong GMA-7 afternoon series na The Borrowed Wife, dalawang katauhan ang gagampanan ni Camille Prats: si Maricar at si Sophia.


Ayon sa Kapuso actress, hindi naman daw ganoon ka-daring physically ang gagawin niya rito. Pero, malaki raw ang kaibahan nito sa mga nagawa na niya.

“Kung sa daring, hindi naman masyado. Siguro, kung ano ang pagkakaiba nito sa lahat ng mga shows na ginawa ko, from Munting Heredera, Luna Blanca, Bukod Kang Pinagpala, all the stories na ginawa ko noon, evolved around having kid.

“Puro talaga siya mommy role. Yun talaga ang pinaka-sentro ng role na ginawa ko. Dito sa The Borrowed Wife, I think, this is the first in six years, na gagawa naman ako ng programa na iikot naman siya sa ibang kuwento.

“Of course, I have a child here or a daughter, pero, hindi ko kasi alam yun since I don’t have a memory of my past. So, yung issues talaga ni Maricar or ni Sophia rito is just based on love and finding herself kung sino siya noon at kung bakit ganito ang pakiramdam niya ngayon.”

Dugtong pa niya, “Pagdating naman sa preparasyon, siguro, mas—dahil nga nanibago rin ako sa focus ng programa, mas prinepara ko ang sarili ko sa ibang bagay. Hindi masyado dun sa having a child. So, parang ngayon, mas personal.

“Mas ako kung ano ang dapat kong maramdaman bilang may asawa. Bilang girlfriend at bilang isang tao na hindi alam kung sino siya.”

Naging isyu ba sa boyfriend niya na gumagawa siya minsan ng mga intimate scenes o may limitasyon din sila?

“Huwag na nating pag-usapan yun,” natatawang sabi niya.

“Kasi, even myself din naman, I limit myself with what I do kasi may anak ako. Yun lang ang priority ko. Hindi naman dahil sa may sasagasaan ako. Hindi dahil may masasagasaan ako. May priority ako, ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ayoko naman na makikita ng anak ko kung ano-ano ang ginagawa ko sa TV, lalo na at lumalaki na siya. Nagkaka-isip na rin siya.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN