TJ Trinidad finds challenge in his familiar role in The Borrowed Wife

Ayon kay TJ Trinidad, marami ang makaka-relate sa istorya ng The Borrowed Wife ng GMA. Saad nito, “But definitely… possible siyang mangyari sa ibang tao. I mean worse, you fight because of love. So, definitely a person—man or woman—can go through such lengths talaga… to win over somebody.”


Hindi na raw bago para kay TJ Trinidad ang role na gagampanan niya sa bagong afternoon series ng GMA, ang The Borrowed Wife.


Gaganap siyang plastic surgeon sa show kung saan binago niya ang mukha ni Maricar, ang karakter na gagampanan ng bidang si Camille Prats.

Kuwento ni TJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman bago, nagawa ko na dati.

“That’s where the challenge lies.

"You just have to try to do a fresh take.

"So, parang make it new again… that’s the challenge.”

Nakausap ng PEP si TJ sa presscon ng The Borrowed Wife na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong nakaraang linggo.

Mapapanood na ang teleserye simula ngayong araw, January 20, sa Afternoon Prime ng Kapuso network.

Makakasama ni TJ sa show sina Camille, Rafael Rosell, at Pauleen Luna.



THE STORY. Ang kuwento ng The Borrowed Wife ay tumatalakay sa paghihiganti dahil sa pag-ibig na inagaw.

Asawa rito ni Camille si Rafael na naagaw naman ni Pauleen.

Dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan, nagkakilala sina TJ at Camille kung saan binago nito ang kaanyuan ng huli.

Dito na magsisimula ang paghihiganti ni Camille laban sa mga nagtaksil sa kanya.

Sa tingin ba ni TJ ay puwedeng mangyari ang kuwento ng serye sa kanya?

Tugon ni TJ, “Ako, hindi sa totoong buhay.

“But definitely, possible siyang mangyari sa ibang tao.

"I mean, worse, you fight because of love.

"So, definitely a person—man or woman—can go through such lengths talaga… to win over somebody.”



MORE FILM PROJECTS. Taong 2012 pa ang huling pelikulang nakasama si TJ, ang Si Enteng, Si Agimat, at Si Ako.

Kaya naman daw ngayong 2014, gusto niyang magkaroon o makasama sa maraming pelikula.

Aniya, “Sa 2014, hopefully, I can do more diverse roles, diverse films. Be it independent film or mainstream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I hope I can do more films.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN