Judy Ann Santos to host reality show for couples titled I Do




Pangungunahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang pinakabagong reality show ng ABS-CBN na I Do kung saan tampok ang mga kalahok na magkasintahan na handa o nais nang magpakasal.

Pinangunahan ni Juday ang ribbon-cutting ceremony, blessing, at tour sa I Do village kung saan titira ang mga kalahok upang subukin ang tatag ng kanilang samahan bago humarap sa altar.

“Ang village na ito, ginawa talaga for this show. Maraming challenges hindi para paghiwalayin ang couples, kundi para pagtibayin pa ang relationship nila at maging mas mature pa sila sa pag-atake sa buhay,” pahayag ni Juday.

Umaasa si Juday na magiging malaking gabay ang programang I Do sa couples na nais magpakasal at magtaguyod ng sariling pamilya sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng mga sitwasyong dapat nilang paghandaan bago sila magkatuluyan o magpakasal. Masusubaybayan ng publiko ang kanilang pagsasama dahil may mga kamerang nakatutok sa kanila 24/7.

“Ito pa lang ang gagawin kong show na mala-Pinoy Big Brother, pero PBB times five. Tatalakayin dito ang lahat–ang pagkakaroon ng anak, pagtira kasama ang biyenan, mga gastusin sa bahay. Sana ma-inspire namin ang mga magkasintahan na ang pagpapakasal, habangbuhay ‘yan na kailangan niyong panindigan,” ani Juday.

Bukod sa pagiging host, tatayo rin si Juday na miyembro ng council ng programa bilang isang maybahay, kasama ang ilang love at family experts na magbibigay ng payo sa mga magkasintahang kalahok.

“Nakaka-tense kasi maglilimang taon pa naman akong kasal, so parang masusubukan ang powers ko sa pagbibigay ng payo at pag-share ng experiences ko. Nakakatuwa na pinagkatiwalaan ako ng ganitong klaseng show na wala pa talagang nakakagawa,” sabi ni Juday.

Dumalo rin sa nasabing event sa I Do Village ang ABS-CBN TV production head na si Laurenti Dyogi, ang business unit head ng programa na si Mercee Gonzales, at iba pang executives ng ABS-CBN TV entertainment division.



Judy Ann Santos with co-host Jayson Gainza


Magandang simula ang maghihintay para sa magwawagi sa reality show dahil bukod sa mapapanalunang grand wedding, makakakuha rin sila ng honeymoon package, bagong sasakyan, house and lot, at P1 milyon.

Napatunayan na ni Juday ang pagiging isang mahusay na host nang pangunahan ang Junior MasterChef Pinoy Edition pati na ang MasterChef Pinoy Edition, na siyang nagtanghal sa kanya bilang Best Reality Show Host PMPC Star Awards for TV. Si Juday rin ang kasalukuyang host ng top-rating game show na Bet On Your Baby na malapit sa kanyang puso bilang isang ina.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN