Gelli De Belen denies Face The People is scripted


Nagkaroon ng pagkakataon na bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Face The People, na sinasabing "reality tabloid talk show" ng TV5, noong January 19, Linggo.

Nakausap namin ang isa sa hosts, si Gelli de Belen, sa Geronimo Basketball Court, Bagong Silangan, Quezon City, kung saan nag-shoot ng episode.

Isa sa mga tinanong namin: totoo ba ang mga sabunutan at buntalan na eksena?


Sagot ng actress/host, “It’s not scripted, every thing you saw in the show is not scripted.

"Nakikita niyo naman kung paano kami mag-react at magtanong. Hindi po ito scripted.

"We have guide questions, pero we don’t always ask that guide questions kasi it depends pa rin on what our case study said.

"So, masasabi ko na this is their real story.”

Natutuwa si Gelli sa show dahil napaka-dynamic nito. Wala raw silang iisang template na ginagamit sa lahat ng sitwasyon.

Pahayag niya, “It’s interesting, nakita niyo naman di ba, nakita niyo ang whole episode. It’s interesting, it’s challenging.

"First, is for you to evaluate, we conceive the notion about life, about people, about relationships. Not everything is black and white.”


Minsan ba naapektuhan kayo sa mga problemang kinakaharap nila?

“Hindi maiwasang maapektuhan, kasi parang you’re right smack in the middle of discussion.

"And these are problems na hindi pinag-uusapan. They don’t talk about it at home. Even if they have to, parang iba yung venue.

"Dito sa Face the People, you have all the people involved in the story. We usually, we put them together talaga.

"'Tapos ngayon lang nila napapag-usapan in depth, in such a way na there are people outside who have a more objective feel on the problem.

"Parang, ngayon lang nila ito lahat na e-experience. So, raw ang emotion, parang sinasabi nila na galing talaga ito sa puso nila. Ngayon lang nila ito hinaharap, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kahit siya raw ay hindi inaasahang aabot sa pisikalan ang ilang kumprontasyon.

“Yes, most of the time nagugulat pa kami. Nakakagulat naman kasi talaga paminsan-minsan.

"Sigurado, kayo nagulat din sa nangyari kanina na bigla nalang sinugod nung babae si lalaki at sinabunutan.”

Aniya, ang totoong drama ay mas intense.

“...truth is greater than friction. Every time na ini-interview ako, sinasabi ko yun, kasi totoo talaga. Dito ko napatunayan na totoo talaga ito, daig ang teleserye!"

Maingat din daw sila sa pagpili ng mga kuwentong ipapalabas mismo sa telebisyon. At ang major criterion nila: dapat totoo.

“Alam niyo, every time we have our potential case study, pag nakakaramdam sila ng... yung may fabrication diyan, hindi namin tinutuloy yung episode. Kahit pa mag pack-up kami, hindi namin tinutuloy ang istorya.

"Pag may nararamdaman sila na may slight na sablay sa kuwento or sinungaling sa kuwento, 'di namin tinutuloy.

"Nangyari na yun minsan, nag-pack up kami kasi nabuking namin sila na nagsisinungaling.”

Co-host niya rito si Tintin Bersola-Babao, kumusta ang tandem nila?

“Sa simula, medyo nasa-shock pa itong si Tintin, kasi parang kakaibang mundo itong Face The People para sa kanya na kung saan na-experience niya yung na-experience nung first time ko ding umupo sa silya ng Face To Face," ang dating show ni Amy Perez.

Dugtong ni Gelli, "Si Tintin, mabilis naman siyang nakapag-adjust sa show, e.

"At naging maganda yung tandem namin, kasi magkaiba kami ng opinion, minsan iba yung point of view naming dalawa , so, naba-balance yung show dahil sa amin.”

First time niya raw makatrabaho Tintin...

“Masaya siya kasama. Karakter din pala itong si Tintin, hindi ko naman alam. Nakakatawa pala siya, komedyante pala siya, hindi ko akalain.”

Bukod sa Face The People, napapanood din si Gelli sa Tropa mo Ko Unli, kung saan kasama niya sina Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Tuesday Vargas, at iba pa, tuwing Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng misis ni Ariel Arivera, "I just started doing Confession Of A Torpe. It is romantic comedy na ipapalabas siya this March. It’s with Ogie Alcasid, Alice Dixson, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Bibeth Orteza, Pilita Corrales.

"It’s a story about sa lalaking torpe, na way back '80s na high school student kami hanggang sa present, yung buhay ni Tupe played by Ogie Alcasid na isang torpe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN