Marian Rivera points out similarities with Carmela: "Kesehodang artista ka or whatever, kapag binastos mo ako, magre-react ako."

"Ang Carmela is not all about kissing scene and bed scene," says Marian Rivera about her primetime series with Alden Richards that will air its pilot episode on January 27, 2014.


Sa Lunes, January 27, ay magpa-pilot na ang bagong primetime series ng Kapuso network, ang Carmela.

Ang Carmela ang pagbabalik muli sa primetime ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera pagkatapos ng ilang buwan din niyang pamamahinga sa paggawa ng teleserye. Ang huli pang ginawa ni Marian ay ang Temptation of Wife.

May ilang entertainment press naman na binibiro si Marian sa kissing scene raw nila ng bagong leading man na si Alden Richards dahil sa napapanood sa trailer.

Pero, katwiran ni Marian noong press conference ng Carmela sa Studio 7 ng GMA noong January 16, “Kaya nga sinasabi ko, ang Carmela is not all about kissing scene and bed scene. Ito ay kuwento ng ako at sa parents ko at si Alden ay ganun din.

“Ito ay heavy drama sa kanya-kanyang problema sa pamilya. Siyempre, hindi naman magwo-work ang isang soap-opera ng walang loveteam. Kaya nga pumasok si Alden. Pero, hindi ito tatakbo sa halikan o bed scene. Hindi ganun, acting ito,” natatawang sabi niya.

Pagkatapos ng Adarna ang timeslot ng Carmela. Excited na si Marian dahil siyam na buwan din daw siyang walang soap.

Sabi pa niya nang nagbibiro, “Nine months kaya akong walang soap! Active lang ako sa kung anik-anik. Pero, naging alipin sagigilid ako. Nine months na walang trabaho.”

Pero bilang isang Carmela, sa kanya talaga ang tagline na “pinakamagandang babae sa mundong ibabaw.”

Ano nga ba ang pakiramdam na siya ang pinakamaganda sa lahat?

“Sobra ka naman! Si Carmela yun, hindi si Marian.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
E, siya nga yun.
“Nakakatawa kayo! Ang hirap magbuhat ng sariling bangko ‘no! Kayo na ang humusga kung maganda nga ba si Carmela.”
Bilang Carmela, ano ang maidudulot nito sa kanya?
“Ano ang maidudulot sa akin ni Carmela? Namiss kong umarte, e. At siyempre, sa direksiyon pa rin ‘yan ni Direk Dominic [Zapata] na alam naman natin na swak na swak ang point of view namin sa soap-opera. Palagi akong looking forward pumunta sa taping kasi, tini-timpla ko ang character ni Carmela at natsa-challenge ako na hindi ito typical na iyak-iyak lang ako, asawa ako.
“Ito iba,” saad niya.
“Ang partner ko, mas bata pa sa akin. Nag-i-school pa [ang karakter ko] dahil hindi ako maka-graduate ng College dahil kapos ako sa pera. Tapos, nagtitinda pa ko sa palengke. So, ang daming flaws. Ang daming pagdadaanan ni Carmela.
“Ang hilig kong mag-ampon ng mga bata. Kapag nakakakita ko sa kalye ng walang mga magulang, halika, iuuwi kita. Ganun ang character niya.”
Kung may ugali man si Carmela na kapareho ng ugali niya sa totoong buhay, ano yun?
“Actually, nalalapit si Carmela sa akin. Isa sa mga character na malapit. Una sa lahat, si Carmela kasi, mapagmahal hindi lang sa pamilya niya kung hindi sa mga taong nagmamahal sa kanya. At ganoon ako. Mapagmahal ako at kapag nakikita kong mahal ako, mahal ko.
“At saka, si Carmela din kasi yung tipo ng babae na soft siya, pero, huwag mong babastusin. Kahit anong bastos mo, puputok siya. Kasi, ganoon din ako. Mabait ako, pero, huwag mo akong babastusin, aapela ako. Kesehodang artista ka or whatever, kapag binastos mo ako, magre-react ako. Ganun si Carmela.
“At si Carmela, mahilig sa mga bata. Ganoon din ako.”
Nang mag-taping daw sila sa Polytechnic University of the Philippines (P.U.P.) ay talagang pinagkaguluhan siya ng mga estudyante.
Pero sabi ni Marian, “Ang hirap namang sabihin na pinagkaguluhan. Parang ang yabang ko naman non. Pero, nakakatuwa lang na mainit ang pagtanggap nila. Tapos, tuwang-tuwa lang ako dahil nagagalit na si Direk.
“Sabi niya, 'YanYan, ‘wag ka na kasing kumaway.'
“Sabi ko, Direk, hindi puwedeng hindi ko sila kamayan kasi, natutuwa ako na ganoon kainit at ganoon nila ko ka-love. Actually, siguro, mga dalawa lang ang nakunan namin maghapon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN