Mark Herras describes how he differentiates his role in Rhodora X from past characters

Ex-couple Jennylyn Mercado and Mark Herras are reunited in GMA-7's upcoming primetime series Rhodora X, which will air its pilot episode on January 27, 2014.


Matagal na rin si Mark Herras bilang isang GMA-7 artist. Naging parte siya ng artista search na StarStruck na umere noong 2003.

Naitanong kay Mark kung sa pakiramdam niya, sa bago nilang serye ngayon na Rhodora X, may pressure na kailangan mai-prove niya na ibang Mark na siya. Na isa talaga siya sa leading man status ng network?
“Siguro, I just need to prove to them that I’m still here. ‘Di ba, na okay, ang dami ng nangyari sa akin. Ang dami ng positive at negative na dumaan sa buhay ko at sa buong showbiz career ko. Siguro, for Rhodora X, this time, ayoko lang na may masabi pa sila—kumbaga, gusto ko na at all, walang masabi sa akin.”
Yung karakter niya sa Rhodora X, ano naman ang makikita sa kanya ng manonood?
“Siguro kasi, ang challenge sa akin dito, kailangang maging corporate ang itsura ko. May mga events kami na pinupuntahan, [tulad ng] guesting. Kahit ang driver ko, nagugulat na, 'O, bakit ka naka-tuck-in?' So, medyo naninibago rin ako.
“Kilala niyo naman ako, I always wear maong pants, T-shirt, polo shirt or kung naka-long sleeve man ako, sneakers. E, mayaman ako rito. Inilayo ko talaga ang character ni Joaquin Vasquez kay Mark Herras. Hopefully, kapag napanood niyo po kung paano mag-dialogue si Joaquin, kung paano siya kumilos, kung paano siya tumayo, iniba ko talaga.
“This time, sabi ko, ihihiwalay ko naman ang character ko sa totoong buhay.”






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN