Mark Anthony Fernandez describes his character in Rhodora X as a "hopeless romantic"

Rhodora X, GMA-7's upcoming primetime series about a woman afflicted with a split personality disorder, will air its pilot episode on January 27, 2014. It stars (L-R) Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, and Mark Anthony Fernandez.


Bilang si Nico ay mabait ang role ni Mark Anthony Fernandez sa Rhodora X ng GMA-7.

“Ako yung tutulong kay Yas dito, yung karakter na stereotype na hopeless romantic kind na ganun,” pagtukoy naman ni Mark sa karakter ni Yasmien Kurdi na si Angela.

Pantay ba ang role nila dito ni Mark Herras bilang leading men?

“Ah yes, oo naman.”

Nakausap ng media si Mark Anthony sa press launch ng Rhodora X noong January 20 sa Plaza Ibarra.

“Ako yung may-ari ng shipyard company," ani Mark Anthony ukol sa kanyang role.

Siya ang magiging leading man ni Yasmien sa drama series.

Masaya si Mark Anthony na makatrabaho ang tatlong produkto ng StarStruck: sina Mark, Yasmien, at ang lead star ng Rhodora X na si Jennylyn Mercado.

“I’m totally honored, I love StarStruck ever since StarStruck opened at saka talagang lehitimo yung talent ng mga StarStruck na ito.

“By far, si Yas ang nakakasama ko lagi. Okay siya at saka talagang mahal na mahal niya yung pag-arte so nakakatuwa naman.”

Hindi naman raw humingi si Yasmien sa kanya ng acting tips.

“Ano lang, medyo tamang mabait lang siya sa akin sa set. Tapos magaling siyang umakting, ayun.”

Hindi pa raw sila nakukunan ng kissing scenes ni Yasmien. Magkakaroon ba sila ng kissing scenes para sa soap opera?

“Oo naman, sa tingin ko.

“Sa una ako yung parang natutuwa na siyota niya si Mark Herras. Natutuwa lang ako para sa kanila. Parang sa istorya, sana mangyari din sa akin yun.”

Bukod kina Jennylyn, Mark Yasmien at Mark Anthony, nasa Rhodora X rin sina Gardo Versoza bilang Derrick, Glydel Mercado bilang Lourdes, Irma Adlawan bilang Dr. Vivian, Vaness del Moral bilang Pia, Lollie Mara bilang Doña Cita, Frank Magalona bilang Santi and with the special participation of Miss Boots Anson-Roa bilang si Panchang.

Ang Rhodora X ay sa direksyon ni Albert Langitan at eere na sa GMA-7 sa Lunes, January 27.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN