Matteo Guidicelli encourages The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles contestants not to give up during challenges

Nakilala si Matteo Guidicelli bilang isang sports personality. Dahil dito, hindi maikakailang sobrang fit ng kanyang pangangatawan base na rin sa standee niya para sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles. Bago pa siya nakilala sa showbiz, nakilala muna siya bilang isang champion racer. Sa ngayon, isa sa mga pinagkakabalahan ng 24-year-old actor ang triathlon.


Marami ang nagsasabing bagay na bagay si Matteo Guidicelli na mapabilang sa reality show na The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles dahil isa itong triathlon champion.

Isa pa, gustong-gusto daw talaga niyang mag-host ng fitness show katulad nito.

Kuwento niya, “Yes po, gusto ko talaga yung fitness, e, yung fitness kasi nagtsi-change ng buhay ng isang tao, di ba, for the better."

Season 1 pa lang daw ng naturang show ay nagustuhan na niya. Laad pa nito, “Kumbaga sobrang mahal ko talaga yung show na ‘to at makikita mo talaga na sobrang nag-iiba yung buhay ng mga individuals na kasali, ang sarap tingnan, e.

“And I’m sure everybody will enjoy watching this.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kahapon, January 23, sa pocket presscon nito para sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Ipakilala na sa February 3, 2014, ng host na si Iza Calzado ang 14 pairs na sasabak sa mga bigating challenges upang pumayat at maging fit.

CHALLENGE MASTERS. Bukod kay Matteo, magsisilbi ring challenge masters sa show ang mag-asawang fitness coaches na sina Jim at Toni Saret at ang kapwa Kapamilya star na si Robi Domingo.

Aniya, “Robi and I were called challenge masters. So ibig sabihin kapag nakikita nila kami, ibig sabihin pahihirapan namin sila.

“May malaking challenge kami para sa kanila, siyempre we push them, a lot of people trying to give up.

“We do whatever it takes for them not to give up.”

Magsisilbi rin daw silang gabay sa mga kalahok sa show upang magpatuloy at hindi bumigay.

Saad niya, “Maraming mga challenges, e, maraming mahihirap na challenges. Maraming mga contestants na umiiyak na na talagang ayaw na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN