Daniel Padilla open to doing a TV series with the Padilla clan; thanks Got to Believe fans for strong support

Daniel Padilla is open to the idea of doing a TV series with the Padilla clan. “‘Yong action kasi dadalhin namin sa sinehan ‘yan. 'Yong humor, ‘yon siguro ‘yong sa TV," says Daniel.


Nagpapasalamat si Daniel Padilla sa patuloy na sumusuporta sa teleserye nila ni Kathryn Bernardo, ang Got to Believe.

Halos gabi-gabi ay bahagi ng trending topics sa micro-blogging site na Twitter ang early primetime drama ng ABS-CBN.

Noong Martes, January 25, nag-trend worldwide ang Got to Believe dahil sa breakup nina Joaquin (Daniel) at Chichay (Kathryn).

Ikinatuwa naman ito ni Daniel dahil naging pambawi raw ito sa lahat ng pinagpaguran nila para sa youth-oriented teleserye.

“Ewan ko. Siguro ‘yon na ang balik nila sa amin,” sabi ni Daniel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak kagabi, January 23.

“Grabe kasi ang hirap namin sa Got To Believe, ang hirap.

“Lagi kaming for airing kasi minsan walang oras, ang daming schedule,” dagdag pa ni Daniel.

Gayunman, siniguro naman ni Daniel na pinaghuhusayan nila ang kanilang trabaho para makagawa ng mga magagandang eksena.

Aniya, “Talagang every scene, kahit napakaliit lang na eksena, talagang ginagawa namin ‘yon ng maayos.

“Hindi lang ‘yon puchu-puchu, talagang inaayos namin.”

TV SHOW WITH PADILLA CLAN. Samantala, dahil kasama ni Daniel ang mga kapamilya niya kagabi sa press conference, natanong ang binatang aktor kung gugustuhin din niyang makasama sila sa isang TV series.

“‘Yon, maganda ‘yon,” agad na sagot ni Daniel.

“Gusto ko rin gumawa ng gano’n, na magkakasama.

“Siguro, after nitong Got To Believe, tingnan natin kung pwedeng magawan ng paraan ‘yan.

“Masaya sigurong panoorin.”

Pero di tulad ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak, na isang action movie, mas maganda raw kung comedy series ang tema.

Ayon kay Daniel, “Parang kasi ang mga Padilla puno ng humor.

“Punung-puno ng humor kapag kami-kami lang.

“Grabe ang saya. Pwede ring may action siguro.

“‘Yong action kasi dadalhin namin sa sinehan ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yong humor, ‘yon siguro ‘yong sa TV.”

Sa ngayon, nasa second season na ang Got to Believe. Makakasama na nina Daniel at Kathryn ang baguhang teen star na si Liza Soberano, na makaka-love triangle ng kilalang onscreen couple.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN