Jennylyn Mercado says psychiatrist helped her portray a character with split personality



Sa Rhodora X, isang karakter na may split personality ang ginagamapanan ni Jennylyn Mercado. Sino ba ang peg niya sa mga eksenang malandi o wild siya?


“Wala. Kasi sa characterization ko nakasulat kung ano ka, so tinry ko na.”


Wala raw siyang ginaya sa mga nabanggit na eksena, at dahil may temang psychological ang drama, paano siya naghanda for her role?


Paliwanag ni Jennylyn, “Ang maganda dito kasi meron kaming consultant.


"Meron kaming psychiatrist sa set na yung bawat character ng isang may multiple personality, iniisa-isa niya.


“Tapos pag may tanong kami, sasagutin niya para tama.


"Lalo ngayon, ang mga TV audience ang tatalino at makikita nila, 'Mali naman 'yan, hindi naman ganyan 'yan, e!’"


Kaya naman daw ang teleserye ay tinatalakay ang mga dahilan kung bakit nabaliw ang isang tao, iyong mga nangyari sa buhay nito.


Saad ng aktres, “Baka isipin lang nila nababaliw or ano, hindi nila alam yung condition talaga, ganito yung nangyari, ganyan.


"So para lang correct talaga yung gestures, yung lahat-lahat.”




STARSTRUCK REUNION. Kasama ni Jennylyn sa teleserye sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Mark Anthony Fernandez.


Magkabatch sina Yasmien, Mark at Jennylyn sa unang season ng StarStruck noong 2003.


Kuwento ni Jennylyn, “Pinag-uusapan nga namin na parang, ‘Nakakatawa tayo noon, 'no?’


“Naglu-look back kami na, ‘Nakakatawa tayo noon, wala tayong pakialam sa competition.


"'Basta kwentuhan lang tayo, masaya tayo, okay na.'


“Walang pakialam kung sino ang matatanggal, kung sino yung mas magaling.”


Kahit raw sa Rhodora X ay hindi sila nagpapatalbugan ni Yasmien.


“Wala! Ang iniisip namin parati, siyempre si ate Glydel [Mercado] si Miss Irma Adlawan, ang gagaling!


"Iyon yung kailangang kahit papaano man lang matapatan namin.


"Kasi effort talaga kasi ang gagaling talaga nila, grabe!”


Bukod kina Jennylyn (bilang Rhodora), Mark (bilang Joaquin), Yasmien (bilang Angela) at Mark Anthony (bilang Nico), nasa Rhodora X rin sina Gardo Versoza bilang Derrick; Glydel Mercado bilang Lourdes; Irma Adlawan bilang Dr. Vivian; Vaness del Moral bilang Pia; Lollie Mara bilang Doña Cita; Frank Magalona bilang Santi, at si Miss Boots Anson-Roa sa kanyang special participation bilang si Panchang.


Ang Rhodora X ay sa direksyon ni Albert Langitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN