Kim Rodriguez: “First time ko talagang magsuot ng kamison sa harap ng maraming tao."

Kristoffer Martin and Kim Rodriguez are the lead stars of GMA-7's Paraiso Ko'y Ikaw, which aired its pilot episode on January 27, 2014.



Maganda ang feedback sa pagsisimula ng airing ng isa sa bagong serye ng GMA-7 na Paraiso Ko’y Ikaw. Bida rito si Kim Rodriguez at leading man naman niya si Kristoffer Martin.

Ibang-iba ang kanyang role dito ni Kim kumpara sa nauna niyang pinagbidahan na Kakambal ni Eliana. Medyo daring at mature na ang kanyang character na ginagampanan.

“Karamihan sa mga eksenang nakunan na naming ay ‘yong sa dagat. Always akong naka-kamison dito,” sabi ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, January 27.

"Siyempre noong una, naiilang ako. Siyempre hindi ako sanay.

“From pa-tweetums, ngayon medyo mature na ‘yong role ko. Pero siyempre, very challenging para sa akin ito.

“First time ko talagang magsuot ng kamison sa harap ng maraming tao. At sa beach pa na… wet look, di ba?”

Tinulungan daw siya ng direktor nilang si Joyce Bernal na ma-overcome ‘yong pagkailang na kanyang nararamdaman.

“Sabi lang niya sa akin… just be yourself. And she guided me kung anong atake o paano ko gagawin ‘yong mga eksena.

“Sobrang gaan at sobrang sayang kasama ni Direk Joyce sa trabaho. Kaya natutuwa ako na nagkaroon ako ng chance to work with her.”

Kumportable din umano siyang katrabaho ang leading man niyang si Kristoffer. Nagkasama na rin kasi sila noon sa Tween Hearts at sa Kakambal ni Eliana.

“Sanay na kami sa isa’t isa, e. Gamay na namin ang isa’t isa.

“So kaming dalawa, talagang kabisado na namin ang isa’t isa.”

Lately, nagkakaroon ng intriga sa pagitan nila ni Bea Binene. May balita pa ngang hindi raw sila nagpapansinan kapag nagkikita.

“Gusto ko pong linawin na hindi kami magkaaway ni Bea at sobrang okay naman kami ngayon.

“Hindi ko po alam kung bakit may ganyang isyu. Wala po akong natatandaang incident na nagdeadmahan kami.

“Siguro po kung may nangyari man na hindi kami nagpansinan, baka indi naming talaga napansin ang isa’t isa. O, hindi kami nagkita.

“Kasi hindi rin naman kami laging nagkikita, e. Baka na-misinterpret lang ng iba.”

Si Bea, umiiwas na magpa-interview ngayon may isyu ngang nagkakaroon sila ng iringan. Parang ayaw nga nito na matanong tungkol sa kanya.

“E, hindi ko po alam!” bahagyang natawang reaksiyon na lang ni Kim.

Hindi rin pala aware si Kim sa napabalitang si Bea dapat ang bida sa Paraiso Ko’y Ikaw. Pero nag-back out ito.

Nagkaroon pa ng intrigang ayaw raw kasing makatambal ni Bea si Kristoffer. Pero kaagad namang itinanggi ito ng young actress at sinabing nag-give way lang daw siya.

“Hindi ko rin po alam ‘yan. Basta no’ng nag-meeting kami sa Artist Center, ang sinabi lang sa akin ay ‘yong Paraiso Ko’y Ikaw ang next show ko.

“Hindi ko pa naisip… hindi ko po alam na si Bea ‘yong first choice. Wala po akong alam sa mga ganyang issue.

“Kung totoo man po ‘yan, kahit pa pang-tenth choice ako, tatanggapin ko po. Kasi blessing po ‘yan, e.

“And… sobrang maganda po ‘yong role. Maganda po ‘yong story. At lalong-lalo na, magaling po ‘yong director namin na si Bb. Joyce Bernal.

“Kaya po para sa akin, itong project na ito ay hindi dapat tinatanggihan. Kasi blssing nga po ito. At mahirap pong tanggihan ang blessing.”

May mga nagsasabi rin, blessing in disguise na inayawan ni Bea ang pakikipagtambal kay Kristoffer. Dahil mukhang mas may chemistry naman daw ang aktor at si Kim.

“Ayyy!” sabay tawa niya.

“Siguro po kaya rin ako napili na gumanap bilang Josephine (pangalan ng kanyang character sa Paraiso Ko’y Ikaw) kasi dahil naging successful ‘yong Kakambal ni Eliana namin,” panghuling nasabi ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN