Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sexbomb Dancers show that black is beautiful in "Ulingling"

by Jocelyn Dimaculangan
Nov 22, 2007
Sexbomb Girls (L-R) Mia Pangyarihan, Rochelle Pangilinan, and Sunshine Garcia portray girls who experience discrimination because of their skin color. Daisy Siete 17: Ulingling airs weekdays on GMA-7's Dramarama sa Hapon.


Sa 17th season offering ng Daisy Siete, mapapanood ang kuwento ng tatlong Negra na magpupursige upang makita ang kanilang talento sa kabila ng kanilang itsura. Sina Rochelle Pangilinan, Mia Pangyarihan, at Sunshine Garcia ng Sexbomb Dancers ang gaganap sa mga "taong uling" na tampok sa Daisy Siete 17: Ulingling.

Balik showbiz ang Regal baby na si Karla Estrada at makakasama niya rin dito si Wilma Doesn't at iba pang artista tulad nina Lisa Ranillo, Archie Adamos, at Natasha Ledesma. Ang mga Studs naman na sina JC Cuadrado, Dion Ignacio, at Edgar Allan Guzman ay makakasama ng Sexbomb Dancers sa naturang palabas.

Ang "special friend" ni Rochelle na si Kier Legaspi ay parte rin ng palabas na ito. Ayon sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Kier na: "Naging maganda ang friendship namin ni Rochelle since nagkatrabaho kami sa Daisy Siete. I did two seasons noon bago ako ulit pumasok nitong Tabachingching [ang Season 16 ng Daisy Siete]. Matagal din kaming hindi nakapagtrabaho together, pero naging constant naman ang communication namin ni Rochelle...Alam naman ni Rochelle na special siya sa akin."

Continue reading below ↓

Ang Daisy Siete ay isang independent television production ng Focus Entertainment na pinamumunuan ni Joy Cancio, ang manager ng Sexbomb Dancers.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

SYNOPSIS. Nang pumutok ang isang bulkan, may tatlong babaeng buntis na lumikas sa kani-kanilang lugar—si Nessa (Karla Estrada), isang G.R.O na nangangarap mag-artista pero nabuntis ng isang black American; si Pitang (Wilma Doesnt), isang Aeta na namatayan ng asawa kung kailan siya nagdadalang-tao sa kanilang panganay; at si Juana, isang canteen helper na nabuntis ng isang kostumer at tinakbuhan.

Lahat sila ay manganganak sa panahong pumutok ang Pinatubo. Lahat sila ay manganganak ng mga sanggol na Negra o maiitim.

Hindi matanggap ni Nessa ang kanyang sanggol kaya iiwanan niya ito. Magkakahiwalay naman sina Pitang at ang kanyang Itang sanggol. Mamamatay naman si Juana sa pagsilang ng kanyang anak na maitim dahil ipinaglihi sa dinuguan.

Ang tatlong sanggol na maiitim ay lalaki sa isang ampunan. Doon magiging magkakaibigan sina Rochelle, Mia, at Sunshine.

Continue reading below ↓

Bata pa lang, inaapi at tinutukso na ang tatlo ng ibang bata sa ampunan. Mararamdamam din nilang kakaiba ang kanilang mga itsura lalo't walang gustong umampon sa kanila. Kaya lalong tumindi ang bonding ng tatlo dahil sila na lang ang magkakampi. Pangako nila sa isa't isa na anumang mangyari ay hindi sila mag-aaway-away at maghihiwalay.

Lumaki silang tatlo na may angking talento sa pagkanta at pagsayaw kung kaya't makakapasok sila sa isang school for the arts. Ngunit dahil wala silang pera para sa tuition, magiging scholar sila, pero kailangan nilang magtrabaho sa school bilang janitor.

Si Billy (JC Cuadrado), ang leader ng mga bully sa school, na boyfriend ni Izzy, ang pasimuno sa pang-aapi sa tatlong negra. Si Izzy ay rich girl na supladita. Kapatid niya si Louise na mabait naman. Katulong nila si Pitang, ang Aeta na nawawalang ina ni Mia.

Kahit inaapi, magpupursige ang tatlong negra. Hindi pa rin sila aalis sa eskwelahang iyon dahil gusto nilang patunayan na kahit ganun ang kanilang itsura ay may mararating sila.

Continue reading below ↓

Subaybayan ang kuwento ng tatlong Negra na sina Rochelle, Mia, at Sunshine sa Daisy Siete 17: Ulingling sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexbomb Girls (L-R) Mia Pangyarihan, Rochelle Pangilinan, and Sunshine Garcia portray girls who experience discrimination because of their skin color. Daisy Siete 17: Ulingling airs weekdays on GMA-7's Dramarama sa Hapon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results