Max Collins reveals her Innamorata character is afflicted with "vampire disease"



Pagkatapos na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa primetime series na Pahiram Ng Sandali, si Max Collins ay napili muli na maging bida sa bagong teleserye ng GMA-7 titled Innamorata.



Ang Innamorata ay may translation na "My Beloved" sa Italy. Si Max ang gumaganap sa karakter ni Esperanza na may sakit na porphyria.


Ayon sa Mayo Clinic, ang porphyria (pronounced: poor-FEAR-ee-uh) "refers to a group of disorders that result in a buildup of chemicals called porphyrins in your body. Although porphyrins are normal body chemicals, it's not normal for them to build up. The cause is usually an inherited mutation.

"Porphyria typically affects your nervous system or skin or both. The specific signs and symptoms of porphyria depend on which of your genes is abnormal. Porphyria is usually inherited, but environmental factors may trigger the development of symptoms in some types of porphyria.

"Treatment depends on the type of porphyria you have. Although porphyria usually can't be cured, certain lifestyle changes may help you manage porphyria."



Pero ayon kay Max, tinatawag din daw itong “vampire disease.”


“Kapag naarawan siya, lumalabas lalo. Meron talagang ganung sakit pero, mas madalas siya or mas common back in 1800, it’s a rare disease na parang leprosy. Yung sa porphyria, tuwing maarawan, nasusunog, nangangati.

“Ngayon naman, parang rare case na lang siya like sa research, parang sa Philippines, mga 3-5 cases na lang daw.”


Kung ganoon, bakit daw ang ganitong klase ng sakit ang naisipang gawan ng kuwento ng GMA-7?


“Siguro kasi, nakakaawa talaga yung may ganung sakit, hindi naman sila puwedeng lumabas sa araw. Hindi sila makapamuhay ng normal kaya siguro yun ang napili nila.”


Para sa naturang palabas, naka-prosthetic si Max upang magmukha siyang may wrinkled skin.


Pinapangit siya dito?


“Opo,” natawang sabi niya.


“Para siyang fairytale na pangit, pero hopeful na sana, one day, gumanda ko, yung ganyan. But then, never niyang inakala na gaganda talaga siya and when the time came na may pagkakataon siyang gumanda, depends on ano ang gagawin niya.”


Nag-research din daw ng personal sa karakter nga na ginagampanan niya.


“Nag-research ako ng konti tungkol sa disease, sa effect ng disease. Nakakabaliw rin kung sa totoong buhay kasi, lifetime siya, walang cure.


“But the beauty of the character, despite her condition, positive pa rin siya. Kahit inaapi siya ng Tita niya, mahal pa rin niya ito.”


Si Pinky Amador ang tiyahin niya rito, nanay naman niya si Rita Avila, at kapatid niya sa serye si Jackie Rice.


At dahil launching series niya ito, may mga preparasyon ba siyang ginagawa?


“Nanood ako ng mga Disney fairytales, kasi, parang yung outlook ng character ko, positive, happy pa rin siya.


“Mahilig siyang magbasa, mahilig siya sa books at very loving pa rin siya despite her condition, so, yun ang isa sa ginagawa ko. Kaya kino-kondisyon ko na hindi malakas ang karakter ko, hindi katulad ng mga dati kong ginampanang role.


“Demure siya, mahiyain. Takot sa araw.”


Kabaligtaran naman daw sa totoong buhay ang karakter niya dahil sa totoong buhay, hindi raw siya takot sa araw lalo pa nga’t lumaki siya sa Boracay.


Nang makausap namin si Luis, nagpakita ito ng paghanga sa kanya. Hindi raw nito inaasahan na sa isang 21-year-old na katulad niya ay malalim na ang range niya pagdating sa pag-arte.


Tila nahiya naman si Max sa hayagang papuri ni Luis.


Aniya, “Sobrang bait ni Luis, sobrang bait niya at saka, helpful siya na maka-eksena. Kasi, hindi siya yung type na mag-a-act siya on his own.


“Talagang makikihalubilo siya sa lahat.”


Si Dion Ignacio rin ang isa sa leading man niya, kumusta naman ito?


“Si Dion, sakto na kababata ko siya sa kuwento. Parang makulit siya, so, parehas kaming makulit.


“So, yung kulitan namin parang matagal ng magkaibigan.”


Nanggaling naman daw ang Innamorata dahil yun ang tawag o term of endearment ng karakter ng Lolo ni Luis Alandy sa teleserye sa Lola naman ni Max dito. At ang tawag na rin daw sa kanya ni Luis ay Innamorata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN