Dominic Roco on the difficulty of playing a mentally challenged character in Magkano Ba Ang Pag-Ibig?


Para kay Dominic Roco, ang pag-portray ng mentally disabled character sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig? ang maituturing na pinaka-challenging na karakter na naipagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Marami rin raw siyang mami-miss ngayong malapit na ang pagtatapos ng kanilang teleserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

Inamin niya, “Unang-una, yung pakikisama ng buong cast, yung bonding.

“I can’t say na I’ll miss doing it [the teleserye] kasi mahirap.

"So, yun talaga, yung bonding.”

Hanggang sa bandang huli, naging mahirap pa rin ba sa kanya ang gumanap bilang Bobby, isang mentally challenged person?
“May mga times na nagiging comfortable ka.
"Pero, may time na mahirap talaga.”
Ano ang hindi niya makakalimutan o natutunan niya bilang si Bobby?
“Siguro what I learned from being Bobby, the vulnerable side.
"Yung piniga talaga ako ni Direk Maryo [J. delos Reyes].”
Sa pagsasabi niyang piniga, pinahirapan siyang talaga?
“Hindi naman pinahirapan pero kahit sa rehearsal, he wants you to do what you will do in actual take.
“So, parang double the effort.”
Madalas naman nakaka-isang take raw lang siya kapag kinunan na ang eksena niya.
Sa ngayon, wala pa raw siyang alam na kasunod niyang teleserye.
Kung dati naging “vocal” si Dominic sa disappointment niya sa kawalan ng proyekto, ngayon ay masaya at kuntento raw siya sa naibibigay sa kanya ng GMA Artist Center.
Aniya, “I’m still happy with this show kaya I don’t think about what I will do next.
“Wala pa kong gustong hingiin sa ngayon.”
Umaasa ba siya na mapansin ang pagkakaganap niya ng mentally disabled karakter?
“Well, no, I can’t say na I know everything sa [pagkakaganap] ko as Bobby.
“Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, I really don’t know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN