Mark Neumann talks about kissing scene with Alice Dixson

Mark Neumann says about his leading lady Alice Dixson, "Malambot po ang labi ni Ms. Alice.” They were paired in TV5's telesine The Lady Next Door.




Big break para sa Artista Academy graduate at TV5 Talent Center artist na si Mark Neumann ang mapili bilang leading man ni Alice Dixson sa The Lady Next Door. Ito ang pilot telesine sa Studio 5 Original Movies ng TV5. May-December affair ang tema ng telesine.

“Dahil binigay sa akin ang ganitong role, I feel really honored. Sobrang nagpapasalamat ako sa TV5 dahil it’s a big opportunity to show my skill and my craft, to show how good I am, and I did my best. The bosses already viewed the telesine and natuwa sila. Siyempre masaya ako dahil natuwa ang mga bossing.

"So, getting a role like that I feel really honored and thankful, and, of course, blessed dahil may kasama akong veteran na actress and there’s more veteran actors there and I really learned a lot from them by observing what they do, so I learn more,” sabi ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naramdaman daw niya ang pag-aalaga at pagbibigay ng importansiya sa kanya ng TV5 kahit na hindi siya ang nanalo sa Artista Academy.

“Opo, kahit hindi ako nanalo sa Artista Academy I do feel important. Kasi just to give me a project like this, that makes me really thankful, so I can learn more, I can experience more.”

Si Vin Abrenica ang itinanghal na male grand winner ng Artista Academy.



WORKING WITH ALICE. Kumusta naman katrabaho si Alice?

“Sobrang honored and thankful ako kasi may opportunity ako para makatrabaho si Ms. Alice Dixson. She’s really a good actress and sobrang galing kasi there was a scene and she cried on cue. She doesn’t need much actor’s cue or anything, she just goes with the flow. So, I was surprised na habang nagda-dialogue kami her tears keep coming down, and sabi ko, ‘Wow, ang galing.’”

May isyu noon na si Alice daw ay naging problema sa set at may nakaaway na cast ng dati niyang teleserye. Wala ba siyang na-exeperience na ganun nung nakatrabaho niya ang aktres?

“Sa set namin? Wala, very peaceful. Wala kaming naging problema. Actually, I felt comfortable with her. She’s really supportive and maalaga po.”

Paano siya sinuportahan ni Alice?

“Like for example, if I don’t know how to say the word right or the meaning, she tells me. Then she gives me suggestions and then she motivates me, and she said, ‘Kaya mo ‘yan. Kaya mo ‘yan. Just do your best.’”

So, maganda ang naging experience niya kay Alice?

“Yeah, it’s a really great experience.”



KISSING SCENE. May kissing scene ba sila ni Alice?

“Yes po, dalawa po.”

Kumusta naman ang kissing scene nila?

“Okay naman po. At first, kinabahan po ako kasi it’s my first time to do it. Pero nung kinausap po ako ni Ms. Alice naging okay na po ako. Yung kiss, hindi naman po siya torrid, romantic kiss po. Malambot po ang labi ni Ms. Alice.”

Ano ang sabi sa kanya ni Alice?

“Biniro nga po niya ako, sabi niya, maghanap daw ako ng somebody para mag-practice. E, sabi ko nga sa kanya, hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend, e. Pero naka-kiss na naman ako, pero iba po talaga pag sa harap ng camera. Siyempre, kinakabahan ako dahil nga it’s my first time to do it. So, ang ginawa ko na lang parang just go with the flow na lang. Nagawa ko naman po.”



ON DIREK JOEL LAMANGAN. Si Joel Lamangan ang direktor ng The Lady Next Door. Noong una raw ay kabado si Mark dahil may mga narinig na siya na magaling ang direktor pero strikto. Ngunit naging maganda ang pagkakakilala niya kay Direk Joel nang makatrabaho na niya ito.

“Si Direk Joel was really a big help to me. He motivates me and I couldn’t forget yung crying scene ko in the rain, after that he was tapping me and said, ‘See, you can do it.’ Direk Joel is a really professional director. When it comes to work, call time or your attitude sa set, you have to concentrate. Strikto siya sa work but he has a soft side. Like nagba-bonding po kami pag break time. Pag lunch we eat together and then we talk. He has a soft side, but if it comes to work you have to and you should always be professional.”



TROPA MO KO UNLI. Regular ding napapanood si Mark sa gag show ng TV5, ang Tropa Mo Ko Unli. Dito naman ay nagko-comedy siya.

“Sobrang masaya sa Tropa Mo Ko Unli. Kasi we can be like free, may adlib, parang relax lang. It’s more relaxing sa taping ng Tropa Mo Ko Unli. Tapos kasama pa namin sina Kuya Ogie [Alcasid], Ms. Gelli de Belen, Kuya Wendell [Ramos], Tuesday Vargas, Empoy, ang dami naming natututunan sa kanila pag dating sa comedy, sa timing, ganun. It’s really relaxing and fun.”

Isa pa sa ikinatutuwa ni Mark sa Tropa Mo Ko Unli ay kasama niya sa cast ang co-finalists niya sa Artista Academy.

“Siyempre masaya po, masarap kasama yung mga AA graduates kasi barkada na rin po kami. Sila po yung mga unang nakasama ko dito sa TV5. So, parang bonding na rin po namin yung taping ng Tropa Mo Ko Unli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN