Solenn Heussaff joins cast of Adarna as third party to Kylie Padilla-Geoff Eigenmann teamup


Nalungkot si Solenn Heussaff dahil mawawala na ang kanyang paboritong TV show, ang Fashbook.

Ito ang ibinalita ni Solenn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment press noong Martes, February 4.

Nalungkot siya dahil sa lahat ng TV shows na ginagawa niya, ito ang pinakamalapit sa kanya dahil sa hilig niya sa fashion.

Pero hindi naman dapat lubos na malungkot ang Kapuso TV host-actress dahil may bago naman siyang TV project.

Sa susunod na linggo ay makakasama na si Solenn sa GMA primetime fantaserye na Adarna.

Gaganap si Solenn bilang Diana, isa sa mga Ibong Adarna na nag-aanyong tao. Magiging ka-love triangle niya ang mga pangunahing aktor ng teleserye na sina Kylie Padilla at Geoff Eigenmann.

Bilang paghahanda, sabi ni Solenn, gusto niyang mas matuto pa ng pagsasalita ng Tagalog.

“Gusto kong mag-Tagalog lessons. Kasi sa Adarna rin ang lalalim, parang sa Indio,” sabi ni Solenn.

Sa ngayon, ayon kay Solenn, “Wala pa akong formal training.

“Parang meron lang ako sa script kung saan dapat may stress.

“‘Tapos tuwing umaga nanonood ako ng TV, sa gabi naman nanonood ako ng mga teleserye.”

Subalit kumpara sa Indio, sabi ni Solenn, “Mas kumportable ako ngayon.

“Sa Indio kasi hindi ako kumportableng mag-act, puro ano lang [salita lang].

“‘Yong role ko sa Adarna, hindi kasing lalim ng sa Indio. Pero mas malalim siya sa regular na Tagalog.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN