Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jake Vargas recalls how he started out in Walang Tulugan With The Master Showman

by Rommel R. Llanes
Feb 6, 2014


Sa variety show na Walang Tulugan With The Master Showman ni German Moreno nagsimula ang career ng young actor na si Jake Vargas.

Ipinagdiriwang ng Master Showman ngayong February 2014 ang kanilang 18th anniversary.

Pero si Jake ay limang taon pa lang dito. Hindi siya kasama sa show nang nag-umpisa itong umere sa GMA.

Pahayag ni Jake, “Dito ako nag-start, dito ako nakilala sa Walang Tulugan.

“Kaya nagpapasalamat ako nang malaki kay Tatay [Kuya Germs] dahil isinama niya ako sa show.

“Marami akong natutunan sa Walang Tulugan.

“Natuto akong kumanta, natuto akong mag-host. Natuto akong hindi mahiya sa mga tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jake sa presscon ng Walang Tulugan With The Master Showman noong February 4 sa 17th floor ng GMA Network center.

Mula nang sumali si Jake sa naturang programa ay marami na raw nabago sa kaniya.

“Dahil sa Walang Tulugan, marami akong naging kaibigan. Yung mga matataas na tao, nakilala ko na rin.

“Na-improve ko rin yung aking pagkanta at yung sa dancing, so marami,”

Ikinuwento ni Jake kung paano siyang napasok sa Walang Tulugan.

“Dati po akong contestant sa Circle of Ten.

“Yung producer namin, si Tito Tom Adrales, kilala niya si Tatay. Ipinakilala niya ako kay Tatay.

“’Tapos, pinakanta niya ako sa radio show niya.

“’Tapos, sabi niya kung gusto ko raw pumasok sa showbiz, kung gusto ko raw mag-artista.

“Then, isinama niya na nga ako sa Walang Tulugan na that time ay sa Broadway Centrum pa ginagawa yung show,” pagbabalik-tanaw ni Jake.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results