Aljur Abrenica happy to be working with Louise delos Reyes for the first time in Kambal Sirena

Aljur Abrenica considers Louise delos Reyes "one of the fastest-rising stars" today. Aljur is slated to take up scuba diving lessons to prepare for his role in Kambal Sirena.


Excited si Aljur Abrenica dahil malapit nang ipalabas ang kinabibilangan niyang fantasy series sa GMA, ang Kambal Sirena.

Naiiba raw ito sa mga nagawa niyang teleserye.

Saad ng Kapuso hunk, "Ganun ako ka-excited sa project na ito.

"Kasi it’s a different formula kumpara sa mga nagawa ko dati, 'tapos it’s a big project talaga."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa studio ng Sunday All Stars noong February 9.

Malaki rin daw ang paghanga niya kay Louise delos Reyes, na katambal niya sa unang pagkakataon.

Sabi ni Aljur tungkol kay Louise, “At saka yung makaka-loveteam ko… wow!

“Si Louise is one of the fastest-rising stars sa ngayon.

"Napakagaling niyang artista."

Bukod daw sa pakikipagtrabaho kay Louise, excited din si Aljur na mas makilala pa ang kapareha.

"I’m really looking forward sa mga bagay na matutunan ko sa kanya.

“I’m looking forward din sa mga bagay na maisi-share ko sa kanya.

"I’m sure magiging maganda ang working relationship naming dalawa.”

UNDERWATER TRAINING. Nauna nang nag-training si Louise para sa paglangoy at scuba diving kaugnay ng role nito bilang sirena sa Kambal Sirena.

Si Aljur ay nakatakda rin daw sumailalim sa ganitong pagsasanay.

Kuwento niya, “Ito yung scuba diving lesson and swimming with creatures under the sea.

"I’m very excited na naka-schedule na iyon, probably this week, sa Anilao, Batangas daw.

“Sanay naman ako sa dagat. Kasi bata pa lang ako, madalas na ako sa may dagat.

“My father is from Batangas at dinadala niya ako madalas dun.

"Almost every week, nasa dagat kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN