Derek Ramsay co-stars with Angel Aquino in TV5's drama-thriller Bawat Sandali

In Bawat Sandali, Angel Aquino plays a cheating wife while Derek Ramsay (in photo) is cast as "the other man." This drama-thriller will air on TV5 on February 25, 2014.



Balikbayang na-in love sa isang may asawa ang papel ni Derek Ramsay sa pelikulang pang-TV ng Studio5 Original Movies na pinamagatang Bawat Sandali.

Subalit ayon sa Kapatid star, in real life ay hindi pa niya naranasang maging "the other man."

“None that I’ve known of. So, let’s just keep it at that para masaya,” nakatawang wika niya.

“No, I’ve never experienced anything like that,” bawi pa niya.

“Hindi ako ahas, kapag may boyfriend, stay away, stay away…” pa ni Derek nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) recently sa press preview ng Bawat Sandali sa TV5 Reliance Studio 4 sa Mandaluyong City.

Mapapanood sa February 25 sa ganap na 8 pm ang Bawat Sandali na tinatampukan din nina Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon, Phillip Salvador, Mon Confiado, at iba pa.

Ito ang pang-grand finale sa naturang love month series ng TV5 na mula sa pamamahala nina Direk Joel Lamangan at Eric Quizon.

Movie ito na pang TV?

“It’s a movie made for TV. First sina Alice Dixson and Mark Neumann. And next yung kay Nora [Aunor and Tirso Cruz III] kinilig nga ako, e.

(Read: Nora Aunor-Tirso Cruz III onscreen reunion leads TV5’s original “made-for-TV” movies)


Ani Derek: "Next yung kay Jasmine [Curtis] and Daniel [Matsunaga]."

(Read: REVIEW: Jasmine Curtis Smith has excellent onscreen chemistry with Daniel Matsunaga in The Replacement Bride)




CRIME MYSTERY. Tungkol saan ba ang “made-for-TV” movie na pinagbibidahan ni Derek?

“Dito sa Bawat Sandali ako ang mai-in-love dito, e. Si Angel [Aquino] naman parang magkakaroon siya ng moment of weakness, parang may problema yung marriage niya.

“So, when I bumped into her, I naturally get attracted… may mangyayari and she will feel guilty after may nangyari sa amin. In the process, lalayo siya sa akin at hahabulin ko ng hahabulin, dahil na in-love ako and then malalaglag nga ako sa bintana. And then akala niya patay na ako, but buhay pa pala ako.

“So, she disposed of the body, of course, she didn’t want to ruin her marriage and then nahanap yung katawan ko, buhay pa pala ako. So, I come back, pero ‘pag balik ko, wala na akong maalala,” mahabang kuwento ni Derek ukol sa ukol sa Bawat Sandali na isang tragic love story na may halong crime mystery.




Bawat Sandali stars (L-R) Phillip Salvador, Yul Servo, Angel Aquino, Derek Ramsay, and Mon Confiado. Photo from Instagram account of Angel.


HELPING YOLANDA VICTIMS. Nabanggit ni Derek na sumali siya sa isang fun run para makatulong sa mga biktima ng super typhoon na Yolanda.

“I was in Tacloban two days ago and naiyak ako noong palapag pa lang… people should not be living in conditions like that. It’s sad…

“The improvement, nilinis na nila yung mga kalye, pero parang ginilid lang. Makikita mo yung mga bungo ng tao sa tubig e, makikita mo, e…”

So marami pang dapat ayusin sa Tacloban?

“Yeah, and the numbers that our government is saying na… it’s less than ten thousand … it’s more than 10,000,” nailing na sabi ni Derek.

“Iyong mga body bags kasi, hindi lang iisang katawan ang nasa loob. Sometimes dalawa.. tatlo,.. and then sometimes sampung bata ang nasa loob [ng body bag].”

Saan mo nakuha iyong mga info na iyan? Sa mga tagaroon mismo?

“Ang dami pa ring news doon. And sabi pa nga sa akin, ‘Akala namin noong pumunta kami rito two months after nang nangyari ay wala nang istorya rito.’ Pero ang dami pa raw istorya, e.”

So, nakaawa pa rin talaga ang kondisyon nila roon?

“Oo, pero ang nakakatuwa and sometimes confusing… kapag show namin, yung mga teachers, there were about five thousand teachers, talagang tuwang-tuwa sila, laughing… smiling. Pero you know, later-on na pag-alis namin, back to normal sila.

“At ang daming mga nabaliw daw after. May naglalakad doon, nakahubad… babae, nakita naming hubad-hubad. Talagang… pero hindi siya taong grasa ha, so, alam mong recently lang nabaliw.

“Iyon yung ikinukuwento sa akin, na ang daming… parang nag-give-up na lang, nawala na talaga sa sarili,” paliwanag pa ng aktor.

Patuloy pa niya, “But it’s nice to see foreign and local organizations that are helping like PLDT, Smart… I saw the Korean military there, Canadians…

“They are still there and you know they’re working. And then you see the UNICEF din. Pero yung mga foreigners, I saw a lot of foreigners, even at the hotel we were staying. I think all of the guests were foreigners.

“So, talagang marami pang dapat gawin para sa mga taga-Tacloban.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN