Maya and Sir Chief welcome their twins in Be Careful With My Heart

The characters of Jodi Sta. Maria and Richard Yap welcome the twins who will join the Lim family in Be Careful With My Heart.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

Handog sa TV viewers nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang halos dalawang taon nang pamamayagpag sa ere ng daytime kilig-serye nila sa ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

"Dahil sa suporta ng mga manonood, patuloy kaming nabibigyan ng pagkakataon na magpasaya at magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa mas marami pang tao," pahayag ni Jodi kaugnay ng kanilang programa na inilunsad sa Primetanghali block ng ABS-CBN noong Hulyo 9, 2012.

Kwento ni Richard, madalas ay namamangha pa rin sila sa pagmamahal at lalim ng koneksyon ng TV viewers sa love story nina Maya at Ser Chief.

"Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay nakakatulong sa kapwa sa kakaibang paraan. May mga may sakit kaming viewers na kapag nakita na kami ay sumasaya na," ani Richard. "Nandito lang kami lagi para pasayahin ang mga manonood at gagawin namin ito hangga't kailangan pa nila kami."

Samantala, kapwa excited na sina Jodi at Richard sa magiging reaksyon ng publiko sa paglabas ng kanilang "Baby Kambal."

"Dapat tutukan ng lahat ang pagdating ng bagong member ng Lim family at kung paano babaguhin nina 'Baby Kambal' ang buhay nina Maya at Ser Chief," sabi ni Jodi.

Huwag palampasin ang Be Careful With My Heart, araw-araw, bago mag-It's Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN