Rico Robles pinatunayan muli ang sarili sa "Pinoy Mano-Mano"


Rico Robles (left) will compete in the finals ofPinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge after defeatingMichael Roy Jornales (right) during the November 24 episode of the realityboxing competition.



Mainitang naging simula ng bakbakan nina Michael Roy Jornales at Rico Robles para sasemi-finals ng Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge nitongnakaraang Sabado, November 24, sa ABS-CBN.

Kagayang inaasahan, si Rico ang nanalo sa laban nila ni Michael. Bagama't hindinapabagsak ng radio DJ si Michael, masaya na rin siya na natalo niya angkalaban, kahit pa sinabi niya na sa ikalawang round ay pababagsakin niya siMichael.

Saunang round pa lang ay nagpakitang gilas si Michael Roy dahil sa sunod-sunodniyang pinaulanan ng suntok itong si Rico.

Perohindi man lang natinag itong si RR kahit pa madalang siyang gumanti ng suntoksa kanyang katungali.

Ayunpala ay masusing pinag-aaralan nito ang galaw ng kanyang kalaban, nang makakitana siya ng pagkakataon ay nagpakawala na ito ng suntok na talaga namang tumamasa mukha at ulo nitong magaling sa taekwondo at kitang-kita ng mga manonood angpag-alog ng ulo nito.

Nahilosi Michael nang tamaan sa ulo at mabuti na lang hindi siya bumagsak dahil sanapasandal siya sa lubid ng ring.

Perotuloy pa rin ang laban hanggang sa third round, dito na ibinuhos ng dating PinoyBig Brother Celebrity Edition housemate ang kanyang malalakas na suntok nahalos mapatakbo na si Michael, kung kaya't hindi kataka-taka na nanalo si RR sachampionship round ng PMM.

UNDERCARDFIGHT. Sa undercard fight ay naglaban naman sina Rommel Montano, kapatid niCesar Montano, at si Ryan Eigennman na anak naman ni Michael de Mesa at GinaAlajar. Nakita naming dumating ang pamilya de Mesa, dahil present dun sinaEddie Mesa, na lolo ni Ryan, Mark Gil at ang asawa nito. Nanood din ang kapatidni Ryan na si Geoff Eigennman, kasama ang pinsan na si Sid Lucero (Timothy MarkEigennmann sa totoong buhay).

Sayangdahil magaling sanang sumuntok si Ryan, kaya lang kinakapos ito ng hininga kungkaya't naapektuhan ang kanyang laro at ikinatalo nito.

Sabinga ni Cesar Montano, ang host ng PMM, marunong sanang sumuntok itong anak niMichael de Mesa kaya nga lang daw ay kulang pa sa ensayo dahil kinakapos sapaghinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga nanood ng semi-finals ng PMM ay sina OnemigBondoc, Michael Flores, at Carlos Morales.

Nagyongpasok na si Rico Robles sa championship ay maghihintay na lang siya ng kalaban,depende kung sino ang mananalo sa laban nina Joem Bascon at Jordan Herrera nextSaturday, December 1.

SaDecember 15, ang main event ng Pinoy Mano-Mano, ang balita namin ay samas malaking gym sa San Juan ito gaganapin, para daw mapagbigyan ang mga taonggustong manood.

Panoorin ang Pinoy Mano-Mano: the Celebrity BoxingChallenge sa ganap na 10:30 p.m. sa ABS-CBN. Kasama ang hosts CesarMontano at Bayani Agbayani, huwag palampasin ang semi-final round ng PMMpagkatapos ng XXX at replay nito sa Linggo ng umaga, pagkatapos ng PrincessHours sa Kapamilya Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN