Fil-Am Malaya Watson enters Top 13 of American Idol Season 13

Malaya Watson (right) made it to the Top 13 of American Idol Season 13 while Marrialle Sellars failed to make the cut.



Ang Fil-American singer Malaya Watson na taga-Southfield, Michigan ay nakapasok sa Top 13 ng American Idol Season 13.


Ang naturang 16-year-old performer ay mula sa pamilya ng mga musicians.

Isang tuba player si Malaya sa kanilang school sa Southfield High School.

Namangha ang mga AI judges na sina Jennifer Lopez, Keith Urban, at Harry Connick Jr. sa rendition ni Malaya ng Ray Charles classic na “Hard Time (No One Knows Better Than I).”


Nakapasok si Malaya sa Top 5 Girls ng competition na pinili ng voters sa United States. Pinili rin nang gabing iyon ang Top 5 Boys at 3 wildcards na pini ng mga judges.


Ang mga nakapasok sa Top 13 ay ang sumusunod:


Ben Briley, 24, Gallatin, TN
Caleb Johnson, 22, Asheville, NC
Jessica Meuse, 23, Slapout, AL
MK Nobilette, 20, San Francisco, CA
Emily Piriz, 18, Orlando, FL
Alex Preston, 20, Mont Vernon, NH
Dexter Roberts, 22, Fayette, AL
Majesty Rose, 21, Goldsboro, NC
Malaya Watson, 16, Southfield, MI
Sam Woolf, 17, Bradenton, FL


Ang mga wildcards ay sina:
C.J. Harris, 23, Jasper, AL
Jena Irene, 17, Farmington Hills, MI
Kristen O’Connor, 24, Sebastian, FL

Nasa audience ang Pinay mother ni Malaya na si Marian Bandico-Watson noong selection.


Sa susunod na episode ng American Idol Season 13, ang Top 13 ay pipili ng mga kanta na pasok sa theme na “This Is Me.”



From @AmericanIdol: Malaya Watson walks the Idol blue carpet at the #IdolTop13 party.



MARRIALLE DIDN'T MAKE IT TO TOP 13. Samantala, hindi naman pinalad ang isa pang Fil-American na si Marrialle Sellars sa pagpasok sa Top 13.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo, magkasama ang dalawang nakapasok sa Top 30.

Ang Pinay mother ni Marrialle na si Luzviminda at ang American father nitong si Frederic ay naging penpal noong nasa kolehiyo pa si Luzviminda dito sa Pilipinas. Nagpakasal sila dalawang taon mula nang unang magkita at mula noon ay sa Amerika na nanirahan.

Inialay ni Marrialle ang kanyang pag-awit sa kanyang ama na matagal nang namayapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN