Pokwang to shoot movie with Zanjoe Marudo in San Francisco

Pokwang will star in an upcoming Maalaala Mo Kaya episode with Emilio Garcia, Beauty Gonzales, Marco Gumabao, and Brian Poe Llamanzares.


Tiniyak ng komedyanteng si Pokwang na malapit na malapit nang ipalabas ang bagong teleserye niya na Mirabella sa ABS-CBN. Ang Mirabella ang magsisilbing TV launch as a lead star ni Julia Barretto, anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

"Sa March 24 na kami ipapalabas," masayang bati sa amin ni Pokwang sa set ng Maalaala Mo Kaya episode niya na ipapalabas sa Sabado, March 1.

Last time na kausap namin si Pokwang, sinabi niya sa amin na ngayong buwan ng Pebrero ang airing ng Mirabella.

"Kasi maganda ang takbo pa ng Annaliza. Saka meron pa'ng naganap na mga revision sa script."

Naiinip ba siya sa pagpapalabas ng Mirabella?

"Okay lang," sambit niya.

Sa ngayon, tuluy-tuloy lang ang taping nila at marami na silang naibangkong episodes ng Mirabella. Kaya 'di raw apektado ang show kapag umalis siya ng Pilipinas.

"Aalis ako sa April 9. May show ako on April 11, 12 and 13 sa Vancouver at saka sa Winnipeg [Canada]. Kaya kahit mawala ako ng dalawang linggo, kering-keri na."

Muling aalis ng bansa si Pokwang para naman sa ishu-shoot niyang pelikula sa Amerika.

"Lilipad ng Mayo para sa TFC (The Filipino Channel) movie namin. Sa San Francisco namin ishu-shoot.

"Wala pa'ng title yung movie pero ipapadala yung script sa akin within this week. Basta ang alam ko lang 60% English ang dialogue ko. Kaya, you know, I have to practice my English," pabirong sabi ni Pokwang.

Ano ang istorya ng movie niya sa TFC?

"Wala pa akong masyadong ideya pero ang alam ko binu-bongga pa yung script at si Zanjoe Marudo ang makakasama ko. Tapos, yung iba, hindi ko pa alam. Wala pa ata'ng ibang kasama sa movie na final. Napapa-audition na ata sila doon ng mga talent."

Sa May 16 ang alis ni Pokwang patungong San Francisco, USA para sa shoot ng movie nila ni Zanjoe for TFC. Pero bago siya umalis, magde-debut muna ang kanyang unica hija na si May.

"Okay na, may final date na, May 10.

"May venue na rin saka nakapag-food tasting na ako sa Florabels [restaurant].

"Motif? Gusto niya Katy Perry, may candy-candy, may catfish, may kung ano'ng pa-cute. Hahaha!"

Samantala, bumata ang hitsura ng halos walang make-up na mukha ni Pokwang nu'ng datnan namin sa taping ng Maalaala Mo Kaya.

May pinagawa ba siya sa mukha niya?

"Walis ting-ting! Ano ba?

"Alam mo naman sa MMK, bawal ang make-up. Para makatotohan, 'di ba?

Excited and happy lang daw siya sa bago niyang episode sa MMK.

"Kasi yearly talaga, hindi pwedeng wala ako'ng MMK.

"Kasama ko rito si Emilio Garcia at mga anak ko, sina Beauty Gonzales, Aaron Junatas, si Marco Gumabao, at anak ni Senator Grace Poe [Llamanzares], si Brian. Sila yung malalaki na pero may batang version pa. Tapos si Celine Lim, yung dating child star.

"Si Emilio tsumi-tsikboy sa kwento tapos hanggang sa ending hindi ko pinaalam sa mga bata na wala na talaga kami ng tatay nila. Pinalabas lang namin na nagtatrabaho siya sa probinsya. So, binuhay ko ang mga bata na ako lang mag-isa sa pamamagitan ng pag-aalok ng arroz caldo. Very ako, 'di ba?

"In the end, nu'ng ma-tegi [mamatay] siya doon lang nalaman ng mga bata na hiwalay na kami. Nalaman ng mga bata na hiwalay pala kami talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN