Ogie Alcasid describes his character in Confessions of a Torpe as so unlike him

Couple Ogie Alcasid and Regine Velasquez hope that the high heavens would grant them their wish for a second child as they are both running out of time. He is 46 and Regine is 44. But if God declines, then amen to that.


Hindi raw maiihambing sa totoong buhay ni Ogie Alcasid ang kuwento ng bago nitong tawa-serye sa TV5, ang Confessions of A Torpe.

Natatawang sabi ng singer-songwriter sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “Hindi, hindi ako ganun. Makapal ang mukha ko, e."

Pero hindi naman raw masyado, "Medyo friendly nga ako, e.”

Ang karakter kasi niya sa show na si Christopher “Tupe” Catacutan ay tameme raw talaga pag kaharap na ang crush niyang si Monique Salcedo na gagampanan naman ni Alice Dixson.

Dagdag pa niya, “Tuwing nakakaharap ko siya, natatatameme ako, tapos hinihimatay ako or sumasakit yung tiyan ko, ganyan.”

Nakausap ng PEP at ilang media si Ogie sa set visit ng Confessions of a Torpe nuong Thursday, February 20, sa La Concordia College, Sta. Ana, Manila.

BIG CHALLENGE. Malaki daw ang challenge na nakaatang sa Confessions of a Torpe dahil mataas ang ratings ng papalitan nitong programa, ang Madam Chairman na pinagbibidahan ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Magtatapos na ang sitcom ni Sharon sa Biyernes, February 28, at ang show naman ni Ogie ang mapapanuod sa mababakanteng timeslot simula sa Lunes, March 4.

Pahayag niya dito, “Nagpapasamat kami sa Madam Chairman that it paved the way for us na magkaroon pa ng isang comedy show…

"Well, light drama, dramedy (drama-comedy) kumbaga.

"Nakakatuwa dahil diyan tayo nalilinya, sa comedy.

“Maliit lang yung cast namin pero makikita mo na maganda yung chemistry namin.”

Bukod kay Ogie at Alice, makakasama din nila rito sina Gelli de Belen, Mark Neumann, Shaira Mae, Albie Casiño, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Bibeth Orteza, at Pilita Corales.

Pag-amin ni Ogie, ito daw ang kauna-unahang pagkakataong makakasama niya si Alice.

Aniya, “Saya, walang arte, walang ka-proble-problema, very smooth.

"Tawa lang siya ng tawa, sinasakyan naman niya yung kalokohan namin, okay, sarap kasama."

Sexy din daw si Alice paminsan-minsan sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa ni Ogie, “Meron din siya dito, siyempre hahanapin din sa kanya yun, tsaka yung abs ko. Hindi, naman mawawala yun, e.”

Ano naman kayang brand of comedy ang io-offer niya dito?

Saad niya, “Iba to kasi sa Bubble Gang [ang show na iniwanan niya sa GMA-7], maraming sketches... madami kang karakter na ginagawa.

“Dito isa lang, that’s the character of Tupe, a torpe, but someone that a lot of people will identify with kasi mabait naman siya.

"Mabait siya sa nanay niya, mabait siyang kaibigan, yun nga lang loser pagdating sa pag-ibig."

ANOTHER BABY. Magta-tatlong taon na ang anak nina Ogie at Regine Velasquez, si Nate, ngunit wala pa raw balak ang mag-asawa na sundan ito.

Sabi ni Ogie, “E, kami naman, kung dumating e di okey.

"Kung wala naman, ayos lang din, kasi si Regine is already 44. I’m 46.

“Kami, we just go with what God gives us.

"Kumbaga, if you’re asking if we plan these things, premeditated, hindi naman.

“We have the desire, pero pag hindi ibigay, okay lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN