Regine Tolentino talks about TV5's Celebrity Dance Battle and her upcoming shows

Regine Tolentino is the the official dancewear designer of TV5's Celebrity Dance Battle.



Sanay sa multi-tasking si Regine Tolentino, kaya naman napagsasabay niya ang pagiging mother, wife, business woman, ang kanyang showbiz career, at ang passion niya sa pagsasayaw.

Seventeen years na silang kasal ni Lander Vera Perez at biniyayaan ang kanilang relasyon ng dalawang anak, sina Reigne at Reigen.

Aminado si Regine na priority niya ang kanyang pamilya at nagpapasalamat siya dahil nagagampanan niya ang pagiging ina at misis sa kanilang tahanan, kahit na isa rin siyang career woman.

Paano niya ito nagagawa, lalo’t may morning show pa siyang Unang Hirit ng GMA-7?

“I have been part of Unang Hirit for 11 years and have I loved every experience I've had in this great show. I really am a morning person, so I love all the fun events and dances I do for this show.

“Na-sacrifice nga lang ang night life and mornings before school, pero bumabawi ako sa family ko in other ways. I am so blessed to have a job I love to do and a family that loves me and supports my dreams and passions,” pahayag ni Regine nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 20 sa kanyang Regine’s Boutique sa Valencia St. corner N. Domingo St. Valencia Hills Condo Commercial Complex, Quezon City.

“I’m glad and I’m super happy that my segments are mga two to three times a week na ngayon, because mas may time na ako sa mga anak ko at mas naayos ko ang mga segments namin for dance fitness,” dagdag pa niya.

Kilala si Regine sa kanyang passion sa pagsasayaw, katunayan siya ay dalawang beses siyang naging champion sa Dancesport.

Nakapaglabas na rin siya ng tatlong dance instructional videos sa ilalim ng Viva Video na pinamagatang Bounce with Regine, Exotic Belly Dancing at Dance Latina.



REGINE THE DESIGNER. Naibalita rin niyang may bagong show sila sa TV5.

“Sa TV po may brand new show, it’s called Celebrity Dance Battle. Kasama po ako roon pero off-cam right now, as the official dancewear designer.

“Bale sa TV5 itong Celebrity Dance Battle or CDB with Lucy Torres Gomez, the Semerad Brothers, G Toengi, Direk Douglas Nierras and marami pang iba.

“It’s a really fun show, it’s like Shall We Dance but it has a new twist and I do all the designs. Andito rin po kami sa RT [Regine Tolentino] Studios, ang official dance studio kung saan sila nagre-rehearse.

“So, I’m quite active with that show as well as you know, designing pa rin for Eat Bulaga and para rin sa ibang mga artista."

Si Lucy Torres Gomez and magsisilbing host ng Celebrity Dance Battle.

Pagpapatuloy ni Regine, “Magiging busy rin ako sa tour namin with Andrea [del Rosario] and dito sa summer workshops namin, dahil ako rin ang Directress at ako rin ang nagtuturo roon.”

Wish mo ba na magkaroon ng sariling dance show someday?

“Of course, someday I hope. You know, I’d love to do that. It’s always been my dream,” nakangiting wika ni Regine.

Nagkuwento rin ng kaunting background si Regine sa forthcoming shows nila ni Andrea.

“Ang title nito ay Femme Fatal, actually, request to ni Boss Vic [del Rosario] ng Viva. We’re both managed by Viva.

“Ang plan ni Boss Vic... Parang mala-launch siya abroad. So he asked us to put-up a show na dadalhin sa Dubai, Macau, Singapore and all over and medyo dadalhin din dito. It’s like a mature ladies, sexy, sensual, women empowerment kind of a show na siyempre celebrating dance, our womanhood and just being proud new woman na walang inhibitions. So medyo mature ng konti, kaya hindi na siya pa-cute na dance.

“For a change, there’s a twist on a regular show. It’s a different types of dances. Very visual and it’s really hot, for sure.”

So pang adults ‘to?

“It’s for everybody actually, but it’s a… siyempre,

I’m sure the guys will definitely appreciate… Even the girls, for sure. So, this is fun.

“’Tsaka ano, yung belly dancing nagkaroon kami ng multi platinum belly dancing instructional video.

"Magkasama kami doon ni Andrea. It’s called Exotic Belly Dancing under Viva Video. So si Boss Vic natuwa sa amin na isama kami ulit sa isang show na this, time halo-halo na ang mga specialties namin. And yun nga, this time around a little bit more sexy.

“So, mas maganda, kasi siyempre, wala na kaming inhibitions, we’re experienced women…”

Hindi kaya magalit si Lander?

“You know, the good thing about our relationship is...he knows me so well. Our relationship is ganoon na lang ka-solid na kahit na ang mga ganitong passion ko with my girlfriend here, hindi siya mai-insecure at all,” nakatawang sabi ni Regine sabay turo kay Andrea na katabi namin sa table.

“Because he knows at the end of the day, doon pa rin ako uuwi," pahalakhak na sagot pa ni Regine. “And proud naman siya sa akin, he supports me naman,” pahabol pa niya.

“Anyway it’s fun. I love working with her [Andrea], I love to dance. I love… you know… this is the first time in the Philippines where in a long time, that you really have a show that’s like pure dance. You’ll have a lot of sexiness, you’ll have lots of new different dancing styles, you’ll see a celebration of womanhood, sexy body…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN