Louise delos Reyes almost had a wardrobe malfunction while shooting Kambal Sirena



Bilang lead actress ng Kambal Sirena, kinuwento ni Louise delos Reyes kung paano tatakbo ang kuwento ng kanyang primetime series sa GMA-7.

Nakasuap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang magkaroon ng press visit sa taping noong February 26 sa Ocean Adventure sa Subic.

Ang bagong primetime series nila ay hindi tipikal na kuwento ng mga sirena kapag tumungtong sa lupa at hawak ang kabibe ay nagiging tao.

Si Louise, dalawa talaga ang karakter na gagampanan sa Kambal Sirena: bilang isang sirena at bilang isang tao na may kaliskis sa likod ng tainga niya.

“Ako po kasi rito sina Perlas at Alona. Si Alona po, ang alam ko, eventually magiging reyna ng Serenatia.

"Between the two, si Alona ang mas palaban, mas ateng-ate. Magkakilala po sila, sabay silang lumalaki at ang cute nga po, ang room ni Alona sa bahay, swimming pool,” masayang kuwento niya.

Dalawang Linggo na lang ay magpa-pilot na sila at kung walang mababago, sa March 10 ang pilot ng Kambal Sirena.

Mas kabado ba siya na papalapit na ito o mas may confident siya?

“Siguro po may kaba at confidence. May kaba ako kasi siyempre, ang itinatapat sa amin, Anne Curtis. Siyempre, Anne Curtis na yun. Ngayon nga, nominated pa siya sa Nickelodeon. So, parang siya na yun. Ang parte ko na lang siguro, gagawin ko na lang ang best ko.

“Ibubuhos ko na lang which is, palagi ko namang ginagawa, palagi ko namang ibinubuhos ang lahat. Na wala akong regret, na hindi ko ginawa at hindi ko inilaban itong show na ‘to at ayoko rin na pagsisihan ng mother network ko na ibinigay nila sa akin ang ganito kalaking project.

“At confidence na rin ako in a way kasi, nag-undergo ako ng isang mahusay na training sa swimming, scuba-diving. Actually po ngayon, diver na po akong talaga, as in professional diver.”

Dahil noong isang taon pa raw ay sinabi na sa kanya ang proyekto kaya naman October pa lang daw, nagsimula na siyang mag-training. Hindi naman daw kasi siya marunong lumangoy dati.

“Around September, October po, naghahanda na ko and even before na inilabas nila yung Dyesebel, alam ko na talagang magkakaroon ako ng show next year.”

Hindi naman daw nabawasan ang excitement niya kahit nang malaman niya na magkakaroon pala ng katapat ang serye niya na sirena rin.

“Hindi naman po, actually, noong binigay sa akin, excited ako kasi, ‘eto, something new. Yung story niya, siguro nga, may iba-ibang story na puwedeng i-incorporate sa Kambal Sirena. Pero ito, ibang-iba sa akin. Yung cast, promising, from veteran actress and actors, yung mga maggi-guest sa amin, yung mga bata, sobrang ganda at nagdya-jibe kami sa lahat.

“Excited ako sa lahat kasi, alam ko na marami pang pupuntahan ang story namin kasi, maraming maging puwedeng anggulo.”

Unang serye niya ito na hindi na si Alden ang ka-loveteam niya. Halos lahat ng seryeng pinagtambalan nila ni Alden, matataas ang naging ratings.

Nagkasama si Louise at Alden sa GMA-7 teleseryes na Alakdana at Mundo Mo'y Akin.

Hindi ba siya natatakot dahil iba na ang ka-loveteam niya na kung anuman ang mangyari, posibleng maka-apekto sa career niya?

“May takot po,” pag-amin niya.

“Normal lang naman yun na may takot ka, e. Pero yung takot na yun, ginagamit ko siyang maging fuel para maging mas mahusay pa ko na may gusto akong patunayan...na mali ‘yang iniisip niyo sa akin, mali yung sinasabi niyo sa akin kasi, ganito ang kaya kong ibigay.

“More on may gustong patunayan sa mga bagay.”


NIPPLE TAPE FAIL. Kumportable na rin si Louise sa costume niya bilang sirena at kung papaano, halos exposed din ang boobs niya dahil nipple tape lang ang costume niya pang-itaas.

“Noong una po talaga, parang nahihiya ako lalo na kung may mga tao. Pero sabi ko, e, makikita rin naman nila.

"So, naglalakad-lakad ako. May buhok-buhok lang. Pero, kapag nasa studio, nilalagyan pa nila ng tape para hindi gumagalaw ang buhok, so, nasanay na rin po ako.

“At saka, yun nga po, siguro, kapag lalo kang nagiging sexy, mas gusto mo siyang i-flaunt palagi. Pero, wala ka ng itatago. Hindi ka na maglo-long sleeve o magdi-dress na mahaba. Siguro, may limitation pa rin ako.

"Parang ngayon pa lang ako nagbu-bloom as dalaga. From tweens, parang nahirapan ako na magpa-mature.

"Kaya siguro ngayon, patikim-tikim lang. Pero, kung kailangan na talaga, hindi ako natatakot.”

Hindi niya iniyakan noong umpisa na nipple tape lang ang nakatakip sa boobs niya na dahil kakulay lang din ng balat niya, iisipin talaga na wala siyang suot.

“Hindi naman po, kasi, naisip ko rin kaya ka nahihiyang ipakita kapag hindi ka confident. At saka, kapag nakikita mo pa, aninag mo pa. Pero sa akin kasi, parang kakulay na ng balat ko. Alam niyo po yung boobs na walang nipple?

“Ganun po siya.”

May pagkakataon pa raw na natanggal ang isang nipple tape niya.

“Noong plug shoot po namin, natanggal siya kasi ang lakas ng alon. Kaya pagtanggal niya, tiyempo, naitakip ko ang kamay ko.”

Karamihan sa mga babae, nangangarap na maging sirena o superhero.

Isa ba sa pangarap niya noon na natupad ngayon na maging sirena ang karakter na gagampanan niya?

“Opo, hindi siya yung sa parteng sirena kasi, lahat naman ng bata, winish na gusto kong maging Little Mermaid, sa mga plays, ganyan. Ako, nae-excite ako kasi, mapaglalaruan ko ang character ni Alona. Kasi, hindi siya yung mabait na mabait, may pagka-naughty siya, pasaway.

“Yung tao, si Perlas, siya yung mabait at yun ang madalas kong role na gampanan. Tapos, mahilig akong mag-ayos at yung sirena kasi, sobrang ganda niya.”

Sina Aljur Abrenica at Mike Tan ang mga leading man ni Louise sa Kambal Sirena.

Kumusta naman siya sa dalawang bago niyang leading men?

“Okay naman po kami, sinasanay ko lang talagang tanggalin ang Kuya kay Mike. Kasi, si Polo [Ravales], nasanay akong Polo ang tawag sa kanya. E, mas matanda si Polo kesa kay Mike. Si Mike kasi, parang Kuya ko siya.

“Si Aljur naman, Aljur lang talaga ang tawag ko sa kanya.”

Hindi siya naninibago mula kay Alden na dati niyang ka-loveteam, ngayon ay sina Aljur at Mike na?

“Hindi naman po, siguro yung mga first taping days, medyo may panaka-naka na hindi ka sanay. Kasi, kapag sinabi sa amin ni Alden na maghalikan kayo, maghahalikan kami. Yakapin mo, parang alam mo na saktong-sakto na kayo.

“Siyempre kay Aljur, kakapain mo pa. Kailangan mo talagang i-process sa sarili mo na siya na ang partner mo, tanggapin mo, ganyan… at yung interest naman namin ni AJ kapag nagkukuwentuhan kami, okay naman kami.

“Actually, mas marami kaming napagkakasundudan kesa kay Alden.”

Ano-ano ang mga napagkakasunduan nila ni Aljur?

“Pareho kaming mahilig sa firing. Tapos travel, about God, tungkol sa buhay, mga kaibigan. Kasi, same lang ang circle of friends namin ni AJ. Lovelife,” natawang sabi niya.

Masasabi niyang walang dapat ikakaba ang totoong ka-relasyon nila ni Aljur na si Kylie Padilla?

“Oo naman, nagkukuwentuhan nga kami ni Aljur, kami ang magka-partner tapos sina Kylie at Enzo, nagpa-partner sa sayaw.

“At saka, assurance rin naman yun. Siguro, kahit sinong loveteam tapos, meron kayong karelasyon, i-a-assure mo lang ang partner mo na trabaho lang ‘yan. At kung mature naman ang partner mo, maiintindihan niya na trabaho ‘to.

“And since pareho naman kaming trabaho, ganoon lang kami, understanding at bawi-bawi na lang kapag walang taping.”

Nabanggit ni Enzo bago ang Valentine’s day nang makausap namin ito na may mga pina-plano na kung paano mag-e-effort sa Valentine’s day nila.

Kumusta nga ba ang naging Valentine’s date nilang dalawa, nag-effort nga ba ito ng todo?

“Hindi rin,” natatawang biro niya.

“Hindi, sabi niya naman, simple and sweet lang. Noong Thursday kasi, may pictorial ako, inabot ako ng 11:30 P.M. Tapos sabi niya sa akin, hindi raw siya makakapunta. Sabi ko, salubong na lang. E, sabi niya, may sakit daw siya. Kailangan daw niyang magpagaling kasi may Unang Hirit siya.

“Sabi ko, okay, pag-uwi ko na lang kasi, sabi naman, after lunch daw, uuwi na ko. Sabi ko, okay sige… pagdating ko sa bahay, may cupcakes na marami tapos may bulaklak. So ako, ang sweet naman. Tapos bigla niya kong ginulat nandoon siya sa bahay ko.

“Kaya bago ako mag-pull-out for the plug shoot, nagsalubong kami, simple dinner lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN