Rhian Ramos gets roughed up as leading lady in "My Only Love"


"It's not that I'm being masokista already. I don't love being hurt.It's not fun. The fun lies on breathing life to a role, na malayotalaga sa totoong personality ko," explains young actress Rhian Ramos about all the beatings she gets from playing the lead role in My Only Love.


Nakakatuwa si Rhian Ramos kapag nakakakuwentuhan namin. Para lang kaming nakikipagtsikahan sa isang Ingleserang bagets na kapitbahay. Lalo na sa set ng My Only Love, as in, pati kami ay para na ring kolehiyala kung magsalita.



"They slap me here, pull my hair, sometimes they even kick me!" says Rhian. "My gosh, it's kinda painful, you know! But once our director shouts, 'Action!' I can't feel the physical hurt that much anymore. It's more of the emotions which I just use to react on some scenes.



"Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang role ko rito sa My Only Love, and they say it's what the fans love to watch. They all love this melodramatic stuff of crying, wallowing in pain and emotions.



"But it's fun. Yeah, especially if I go out in malls. Napapansin ko, nilalapitan na ako ng mga bagets. They don't hesitate. Not like during those times that I play pasosi roles, even some lolas make palo to me, kasi ang arte-arte ko raw.



"I didn't know na ganoon pala ang reaction ngayon ng mga tao. They easily get affected by what they watch on TV," nakakalokang kuwento pa ni Rhian sa amin tungkol sa experience niya playing her role in My only Love.



Sina Sherilyn Reyes at Stef Prescott ang mga kontrabida ni Rhian sa My Only Love. Pareho silang grabe raw kung makapanakit sa kanya.

"They're both professionals, I must say," papuri ni Rhian sa kanyang "tormentors." "We always talk on the set and discuss the things that we must do. Kailangan kasi, lagi kaming take on, or else, dusa para sa akin dahil uulitin na naman yung sasaktan ako.



"But I tell them, that's okay. It's not that I'm being masokista already. I don't love being hurt. It's not fun. The fun lies on breathing life to a role, na malayo talaga sa totoong personality ko," sabi pa ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RHIAN'S TORMENTORS. Si Sherilyn daw ang laging nananakit sa kanya, pero minsan sinampal at sinabunutan daw ni Stef si Rhian sa isang eksena na wala sa script, much to the shock of their director, Louie Ignacio. Totoo ba ito?



"Uy, wala namang ganyan! Who told you that?" tanggi ni Rhian. "Stef is very nice. She can be a nasty contravida on the screen, but when you get to know her, she's one of the best. Everybody is extra nice to me on the set, kasi alam nilang sasaktan nila ako, na hindi naman nila gusto.



"But I'm very particular about the script. Hindi naman yata puwedeng sasaktan na lang ako, na hindi naman required doon sa istorya. But in this case, sinabi mong may nangyari sa set na ganoon, wala. Unfair kay Stef na pagbintangan na sinaktan niya ako na wala roon sa script," depensa ni Rhian.



TEAM-UP WITH MARK. Madalas din daw silang magkaasaran ng leading man niya sa My Only Love na si Mark Herras. Sa set, yung kulitan nila nauuwi umano sa asaran.



"Kami ni Mark, we're just like that," sabi ni Rhian. "But seriously, determined si Mark sa trabaho, and he's very professional. Yung mga sinasabing kesyo ganito o ganyan siya, yung tsismis na nagda-drugs, I don't think he's into it.



"Kasi pagdating niya sa set, naka-focus siya. Lagi nga lang siyang pagod. He has a lot of things to do. Kawawa naman, 'tapos iniintriga pa," pagtatanggol ni Rhian.



Her team-up with Mark excites her, katulad din ng sa kanila ni Richard Gutierrez noon sa Captain Barbell at Lupin.



"At least, it's a new combination," pahayag ng young actress. "Noong una, may mga nagagalit sa akin na fans nila ni Jennylyn [Mercado], pero 'pag napapanood na nila ang series, and it's doing okay sa ratings, that goes to prove that they're slowly accepting the team-up."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN