Lauren Young portrays cybersex worker on Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


Sa pagdating ng mga bagong technology, nagkakaroon na rin ng mga bagong mga paraan para makuha ng mga tao ang kanilang mga bisyo—gaya ng sex.

Erotic stories. Porn. Lahat available na online. At sa patuloy na pag-evolve ng technology, nag-e-evolve rin ang mga paraan kung paano masa-satisfy ang sexual urges ng mga tao. Isa na sa mga "evolution" na matatawag ang: cybersex.

Ang cybersex ay nagaganap sa pagitan ng isang chatter and isang performer, kung saan ipagagawa ng chatter ang mga gusto niya sa performer without actual contact. At ito ang mundo na mapapasok ni Liezl Espinosa, isang dalaga na maagang nabuntis, at nawalan ng choice kundi pasukin ang kalakaran na ito.

Ngunit paano nga ba napasok si Liezl sa mundong ito? At ano ang nagtulak sa kaniya para tanggapin ang kapalarang noong una ay gusto niyang iwasan?

Ngayong Sabado, sa natatanging pagganap ni Lauren Young, alamin ang mga naging pangyayari sa buhay ni Liezl—kung paanong ang ina niya mismo ang nagtulak sa kaniya para pasukin ang maruming mundo ng online prostitution, kung paano niya tinanggap ang pagiging dalagang ina—at paano siya nailayo sa sariling anak.

Sa pagsabak ni Lauren Young sa palaban at edgy na role na ito, sasamahan siya ng matinding supporting cast na kinabibilangan nina Glydel Mercado, Phytos Ramirez, Rez Cortez, Maureen Larrazabal, Leandro Baldemor, Ynez Veneracio at Teejay Marquez.

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Glaiza Ramirez at sa pananaliksik ni Angel Lauño, huwag palagpasin ang Magpakailanman–Barangay Cybersex: The Liezl Espinosa Story ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN