Gladys Reyes wants to feature more meaningful episodes in her talk show Moments



Isa sa pinaka-busy na artista si Gladys Reyes dahil bukod sa pag-arte, isa siyang mom sa three kids siya, wife to Christopher Roxas, businesswoman, board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), host at co-producer na rin siya ng kanyang show na Moments sa Net 25 na nag-celebrate ng 6th anniversary nito.

Aniya, “Last season, it was celebrity Mom and Dad with their kids. This time, topic basic ako. Nag-start ako noong Saturday, special children with special needs with Ara Mina and her sister, kasi, may special child siyang kapatid.

“Naka-line-up din ako with Daniel Padilla and Karla Estrada, ito naman, parang peer pressure and teenage problem naman. Pero siyempre, with the availability pa rin of Karla and Daniel.

“Kasi, ang aim ko talaga this season, more meaningful episodes and informative. Tapos, yung kiddie segment, yung mga anak ko naman ang nagho-host.”

Personal din daw siya kapag nakikipag-meeting sa mga clients nila tulad daw noong presscon.

Biro nga namin sa kanya, mayaman na siyang talaga ngayon.

“Hindi naman,” natatawang sabi niya.

“Parang siguro, parang natagpuan ko lang ang other niche ko. Aside from acting, yung mag-conceptualize ng idea for every client. Kung ano ang gustong mangyari, sa segment ko, sa show ko. Personally, binabantayan ko lahat yun.

“Up to the post-prod, editing, lahat yun.”

Sa huli, tinanong namin si Gladys kung tatanungin siya, ano ang nakikita niyang kulang na lang sa buhay niya dahil sa family life naman niya, nagawa nilang mag-asawa na mapanatiling matatag ito.

“Siguro, ma-maintain lang lahat ng nangyayari, lahat ng blessing sa buhay ko. Sa pamilya ko at higit sa lahat, yung good health, walang magkakasakit.

“Yung Nanay ko, sana tuloy-tuloy ang paggaling.”

Matagal na rin siyang aktres at may ilang taon na rin ang nakalilipas nang makatanggap siya ng acting award.

Hindi ba niyang inaasam na magkaroon muli ng acting awards?

“Wish ko siyempre, mapansin tayong muli sa acting. Pero sa akin talaga, super bonus yun kung mapagkakalooban ulit. Pero, alam niyo, mas wish ko, mapansin as a host. Sana mapansin nila ang advocacy ko sa programa ko.

“Na hindi lang yung malasakit ko bilang host, kung hindi ang makapag-produce ng makabuluhan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN