Winwyn Marquez cast as Aljur Abrenica's girlfriend in Kambal Sirena




Sa Kambal Sirena, gaganap si Winwyn Marquez bilang kontrabidang si Macy.

Bago siya naging bahagi ng telefantasya na ito, regular na napanood si Winwyn sa teen-oriented show na Dormitoryo.

Mortal o normal na tao si Winwyn sa Kambal Sirena, pero ayon sa kanya, kung papipiliin, mas gusto niya na gumanap bilang sirena.

“Oo naman! Di ba, lahat ng pantasaya ng mga girls maging sirena.

“Pero when I read the script sabi ko, ‘Ay bongga rin ang role!’

"So why not, in the end, who knows, [baka may] twist,” umpisang sinabi ni Winwyn ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kambal Sirena sa GMA Network Center noong March 5.



ON THE SET. Gumaganap na kambal sa programa si Louise delos Reyes bilang taong si Perlas at sirenang si Alona.

“Karibal ako nung kambal,” kwento ni Winwyn tungkol sa role niya sa sirenaserye ng GMA.

“Kay Perlas talaga ako magngingitngit ang galit kasi si Kevin magpo-fall sa kanya, e, ako ang girlfriend ni Kevin.”

At dito na nga raw sasabog ang karakter ni Winwyn sa teleserye bilang kontrabida.

Si Aljur Abrenica ang gaganap na Kevin sa show.

Unang beses nakatrabaho ni Winwyn si Aljur at ayon sa kanya, masarap katrabaho ang aktor.

“Hindi ko siya talaga nakakausap kahit sa Sunday All Stars, hi-hello lang talaga.

"Kinabahan ako kasi parang, hunk, sexy, magaling umarte, matipuno.

“Medyo kinabahan lang kasi siyempre hindi maiiwasan yung scenes na may kiss.

"Okay naman siya, in fairness to him, mabait naman siya talaga."



SAMPALAN SCENES. Pangalawang beses naman niya itong magiging kontrabida kay Louise, una ay sa drama series na One True Love.

Sa Kambal Sirena, wala pa yung confrontation scenes nila ni Louise.

"Wala pa yung mga sampalan, sarcastic pa lang ako, naiinis.

"Mabait naman ako pero magiging masama dahil may rason.”

Ayon kay Winwyn, nasampal na raw niya si Louise once, sa One True Love.

Aniya, "Nag-uusap naman kami kung paano, nagpapaalam.

"‘Uy, Louise ha, itutulak kita, ganito gagawin ko, ganito kalakas.’

"Nagso-sorry kami lalo na ako, hindi ako kumportable manampal ng tao,” at tumawa si Winwyn.

Magkakaroon rin ng maraming eksena si Winwyn kasama ang veteran actress na si Chanda Romero at kinakabahan ang young actress.

“Kinausap ko na po siya, sabi ko kinakabahan ako na makaeksena ko siya.

"Napanood ko yung My Husband’s Lover, fan ako ng serye nila.

“Sabi niya, huwag daw akong kabahan, tutulungan naman daw niya ako.

"Mabait silang lahat, so I’m looking forward to work with them at makaeksena sila.”

Samantala, sa teleseryeng Kambal Sirena, bukod kina Winwyn, Louise, Aljur, at Chanda (bilang si Victorina), kasama rin sa cast sina Lotlot de Leon bilang si Susanna, Tessie Tomas bilang si Rita, Nova Villa bilang si Tiya Ligaya, Mickey Ferriols bilang si Marissa, Yul Servo bilang si Damos, Pancho Magno bilang si Homer, at Mike Tan bilang si Jun.

Gaganap naman bilang mga sirena sina Angelika dela Cruz bilang Reyna Arowana, Rich Asuncion bilang Betilya, Polo Ravales bilang Ataba, at si Gladys Reyes bilang Barracuda.

Sa direksyon ni Dondon Santos, mapapanood na ang Kambal Sirena sa March 10 sa GMA Telebabad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN