The Gutierrezes excited to star in first Asian family reality show, It Takes Gutz to be a Gutierrez

Raymond Gutierrez (leftmost) says their family is ready to face criticisms when their reality show It Takes Gutz to be a Gutierrez starts airing on E! Channel. “Alam naman natin itong industriya natin, you can’t please everybody,” says Raymond. He is joined in this photo by (L-R) sister Ruffa, father Eddie, mother Annabelle, and twin brother Richard.


Malapit nang mapanood ang pinakaunang family reality show na ipapalabas sa isang Asian channel, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.


Ngayong May 2014 ipapalabas ang six-episode special sa E! Channel. Ang naturang palabas ay sa ilalim ng direksiyon ng Emmy Award-winning producer na si Michael Carandang. Naging producer siya noon ng €œThe Tyra Banks Show at America's Next Top Model.

Pagbibidahan ito ng buong pamilya Gutierrez—sa pamumuno ng mag-asawang Eddie at Annabelle kasama ang kanilang mga anak na sina Ruffa, Raymond, at Richard.

Anila, matagal nang may mga ganitong konseptong nailapit sa kanilang pamilya pero ngayon lang nagkaroon ng katuparan na mapagsama silang lahat sa isang show.

Kuwento pa ni Eddie, “Siguro two, three years ago meron nang nagsabi sa amin. Pero ngayon lang nagkita-kita lahat, pati dumating na nga yung offer ng E! Channel, ito tuloy tuloy na, abangan n'yo.”

Dagdag pa ni Anabelle, “Maraming offer kasi noon na sila ang magpo-produce and sabi ko kami na lang ang magpo-produce.”

Bukod sa pamilyang Gutierrez, katuwang din nila bilang producer ang isang publishing company.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sina Eddie at Annabelle kasama sina Ruffa, Raymond, at Richard sa launching ng kanilang show noong March 6 sa Holiday Inn Suites, Makati City.

THE LOCAL KARDASHIANS. Aminado naman si Annabelle na isa siyang tagahanga ng sikat na reality show sa United States na Keeping Up With The Kardashians.

Aniya, “Dream come true talaga kasi sabi ko, sana maging ganun din ako, maging ganun din ang buong pamilya ko.

“Siyempre lahat ng tao may pangarap, ‘di ba, ang pangarap ko na kahit hindi magkapantay kami, at least dumating kami sa part na maski kalahati man lang.”

Nasa 9th season na ang international show ng mga Kardashians na sina Kim, Kourtney and Khloe, kasama ang kanilang iba pang mga kapatid at magulang. Umeere din ito sa E! Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Annabelle, “Kaya nga matagal akong tahimik, lahat ng mga projects ng anak ko, I cannot even explain kasi bawal pa. “

Kaya daw naging tahimik siya ng ilang buwan lalo na sa social media dahil gusto daw niyang maayos ang lahat para sa show. Saad niya, “E, kasi bawal pa kasi wala pang kontrata. Bawal mag-tweet.

“Marami nga ang nagtatanong sa akin, kasi para kaming kawawa, lahat kami parang walang trabaho. Ngayon, I’m so proud to announce it na ito na yung trabaho namin, nagti-taping na kami, tahimik lang, maski hindi pa kami nakapirma sa E!, nagti-taping na kami. Para meron na kaming pang-teaser.”

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Dagdag pang kuwento ni Annabelle, baka daw mag-subtitle sila sa show dahil hindi daw niya kaya ang magsalita ng tuloy-tuloy na English.

Aniya, “Ako yun, kasi I cannot act straight English. I cannot speak English straight kaya okay na rin sa mga anak ko at sa asawa ko, pero ako Taglish.”

Dagdag pa ni Ruffa, “It’s very historic kasi first time talaga na magkaroon ng reality show at series sa Asia.

“Nasi-stress ako kay Mommy, di ko alam kung anong gagawin ko sa show, dahil reality show nga, usually kasi napi-filter namin si Mommy, baka naman after the cruise at after na nang taping, white na yung hair ko. Stress.

“Pero sabi ko nga kay Mommy, kaso nahihirapan daw siyang mag-English pag nag-e-English na siya puro one liner lang, nahihirapan siya. Sabi naman ng mga friends ko, ‘Naku gusto namin si Tita Annabelle na ganun—Bisaya, funny, animated—so sabi ko fine, there’s always one member of the family na you know, kailangan lagyan ng subtitle.”


Kuwento naman ni Raymond, handa na daw sila sa anumang mga batikos o kritisismo na ibabato sa kanila. Saad niya, “Alam naman natin itong industriya natin, you can’t please everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And alam naman namin na may haters din kami, gising naman kami sa katotohanan. Hindi naman maiiwasan yun, alam naman namin na that’s part of the job, alam namin na there will be some people na hindi matutuwa sa show, and that’s fine.

“We’re very proud of the project.”

Sa huli, sinabi ni Richard, “You know, maraming hindi pa nakakaalam ng kuwento ng family namin, how we are, ito na yung chance na makita ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN