Aljur Abrenica and Alden Richards portray brothers struggling to succeed in Magpakailanman




PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


Ano ang gagawin mo kung nagawa mo nang iahon ang sarili mo mula sa kahirapan? Kung, pagkatapos mong maghirap para makapagtapos, at matulungan ang sarili mong kapatid na makapagtapos, ay na-promote ka sa isang posisyon na noon ay hindi mo aakalahin na ipagkakatiwala sa 'yo?



Tatalikuran mo ba ito? Magpapatukso ka ba sa mga bisyo para mawala ito sa 'yo?



Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pakikipagkuwentuhan sa magkapatid na Joel at Jovel Javier—nagsimulang mga bakery boys, naging pump attendants sa isang kilalang gas station company, at nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kanilang mga pag-aaral para malayo ang marating sa buhay.



At alamin kung ano ang magkaibang landas na tinahak ng magkapatid matapos nilang makamit ang kanilang mga pangarap.



Itinatampok sa episode na ito ang dalawa sa bagong henerasyon ng mga leading men ng GMA-7, sina Aljur Abrenica at Alden Richards, bilang ang magkapatid na Joel at Jovel Javier. Kasama rin sina Charee Pineda, Chinggay Riego, Menggie Cobarubbias, Diva Montelaba at Lotlot de Leon, with the special participation of Christian Bautista, Bettina Carlos, Vincent Magbanua, Antone Limgenco at Yayo Aguila.



Mula sa direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Dang Sulit at sa pananaliksik ni Jason John Lim huwag palagpasin ang Magpakailanman – Gas Mo, Bukas Ko ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN