Louise delos Reyes: "Kahit nung bata ako, pangarap ko talagang maging sirena."

Louise delos Reyes she will not leave Sunday All Stars while shooting for telefantasya Kambal Sirena.


Pang-apat ng primetime show ni Louise delos Reyes ang Kambal Sirena kaya tinanong namin: siya na ba ang Primetime Princess ng GMA-7?

Si Marian Rivera ang itinuturing na Primetime Queen ng Kapuso Network.

“Ay, talaga?” sabay tawa ni Louise.

“Siyempre ano sobrang masaya ako. Masaya ako na hindi ko ma-explain talaga kung ano yung nararamdaman ko kasi sobrang thankful lang talaga ako sa GMA kasi every year binibigyan nila ako ng sobrang gagandang project at ito nga, ang Kambal Sirena so far ito ang pinakamalaki, pinaka-engrande at pinakamahirap na role na ibinigay nila sa akin.”

Ang My Beloved, One True Love at Mundo Mo’y Akin ang mga nagawang primetime shows ni Louise bago nga ang Kambal Sirena kung saan dual roles ang ginagampanan niya bilang si Perlas at si Alona.



Louise delos Reyes

At kahit si Marian ay supportive sa kanya.

“Si Ate Yanyan, kasi, si Miss Marian kasi siya yung nagsisilbing ate ko, simula pa lang ng My Beloved days.

“Siya yung palagi kong tinatakbuhan kapag may tanong ako, kapag nahihirapan ako sa isang role. Tapos palagi naman siyang nandiyan lalo na kapag nakataas na yung billboard ko, palagi niyang sinasabi na, ‘Go baby! Kaya mo yan!’”

Nakausap namin si Louise sa presscon ng Kambal Sirena sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ano ang nadiskubre niya sa leading man niya na si Aljur Abrenica na hindi nila alam dati?

“Sobrang masayahin niya at napaka-energetic niyang tao. Kasi nakikita ko siya na seryoso, na talking about God. Ganun ko siya nakilala.

“Pero something positive naman siya, ina-uplift niya yung spirit namin. Nagdadasal kami for guidance saka para magpasalamat sa mga blessings namin.

“Saka na-discover ko nga na sobrang masayahin [si Aljur] kasi kahit ala una, alas dose ng madaling araw, kumakanta, nagpapatawa.

“Sobrang energetic niya.”

Mahuhusay ang mga kasama ni Louise na veteran female stars sa show tulad nina Chanda Romero (bilang si Victorina), Lotlot de Leon, Tessie Tomas bilang si Rita, Nova Villa bilang si Tiya Ligaya, at sina Gladys Reyes bilang Barracuda at Angelika dela Cruz bilang Reyna Arowana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Louise na kabado siya.

“Kinakabahan po ako in the sense na kailangan kong matapatan yung mga binibigay nilang emosyon, siyempre, kailangan hindi ka magkakamali, yung malinis dapat yung dine-deliver mong emotion, yun po.

“Dun lang po ako nape-pressure.”

Nasa Kambal Sirena rin sina Winwyn Marquez (bilang Macy), Mickey Ferriols bilang Marissa, Pancho Magno bilang Homer, at Mike Tan bilang si Jun.

Gaganap naman bilang mga sirena rin sina Rich Asuncion bilang Betilya, Polo Ravales bilang Ataba at si Yul Servo bilang Damos.

Ito ay sa direksyon ni Dondon Santos na napapanood GMA Telebabad.

Noon ay naging bida si Louise sa Alakdana, at mas gusto raw niya na gumanap bilang sirena kaysa bilang babaeng alakdan.

“Sirena kasi lahat ng batang babae, kahit nung bata ako, pangarap ko talagang maging sirena. Every girl’s dream naman maging sirena. Maging superhero o maging mermaid ang dream ng lahat.”

Mas kumportable ba si Louise na lalaki ang direktor niya sa Kambal Sirena?

Sa 2008 TV series na Dyesebel kunsaan nagbida si Marian, si Joyce Bernal ang naging direktor.

Hindi ba naiilang si Louise lalo na kapag topless siya bilang sirena?

“Hindi po, si Direk Dondon sobrang para namin siyang kabarkada. Sobrang bagets si Direk Dondon saka napaka-creative niya, sine-share niya sa amin lahat ng naiisip niya tungkol sa eksena, kung ano’ng gusto niyang mangyari.

“Hindi naman ako naiilang, para siyang kuya para sa akin. Saka talagang inaalagaan niya lahat ng artista niya tsaka, wala sobrang bait niya, sobrang bait.

“Saka halos lahat ng staff naman ng Kambal Sirena puro babae.”

Pangalawang beses na niyang maging kontrabida si Winwyn.

“Wala na kaming adjustment saka kami ni Winwyn off-cam, magkumare kami tsaka meron kaming grupo sa Sunday All Stars na magkakaibigan kami, sila Winwyn, sila Mark [Herras], Rocco [Nacino], Enzo [Pineda], Steven [Silva], si Yassi [Pressman], basta halos lahat kami magkakaibigan kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw iiwan ni Louise ang Sunday All Stars kahit may Kambal Sirena siya.

“Kasi masaya din ako na nagpe-perform e, saka tuwing Sunday na lang nila akong makikitang normal,” sabay tawa ni Louise.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN